Thursday, June 01, 2006

The Southern Tagalog Herald, May 28 - June 4, 2006

Lider ng Bayan Muna,
itinumba sa Calamba


nina Roy Tomandao
at Ladylou Manuel

Calamba City--Tadtad ng bala ng kalibre 45 sa katawan ang isang lider ng Bayan Muna-Southern Tagalog matapos itong tambangan ng dalawang ‘di nakilalang salarin habang sakay ng kanyang owner-type jeep kamakalawa ng gabi malapit sa barangay hall ng Purok 7, Brgy. Parian sa lungsod na ito.
Kinilala ni P/Supt. Roland Bustos, hepe ng pulisya rito, ang biktima Noel Capulong y Cortez, 51 anyos, may asawa at residente ng Elepanio Subd. dito.
Si Capulong ang Deputy Regional Coordinator ng Bayan Muna Southern Tagalog at kolumnista ng lokal na pahayagang BIDA na may pamagat na BATINGAW.
Ito ay namatay habang isi-nusugod sa St. John Hospital dito.
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-sais ng gabi habang sakay ang biktima ng kanyang owner-type jeep na may plakang DPJ-887 nang tambangan siya at pagbabarilin ng mga suspek na naka-bonnet na sakay ng isang motorsiklo.
Mabilis na tumakas ang mga hitman matapos ang pamamaril.
Si Capulong ay kapatid ng retiradong Gen. Homer Capulong at Atty. Emillo Capulong ng Bulong Brigade.
Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng motibo ng pamamaslang bagama’t sinasabi ng mga kasamahan nito na ito umano ay pakana ng militar at mga intelligence unit.
Sinusuri din kung kasa-mahan niya ang may gawa ng krimen o personal na galit dahil si Capulong umano ay hard hitter ng gobyerno.
Sa panayam ng The Southern Tagalog Herald sa publisher at editor ng pahayagang BIDA na si Arjay Salgado sinabi nito na: “More and contemporary issue sa government ang kanyang isinusulat at possible ring ang pagiging opisyal niya (Capulong) ng Bayan Muna ang may kaugnayan sa pagkamatay nito.”
Habang sinusulat ang balitang ito ay isang task force ang binuo ng PNP para malutas ang naturang kaso.


Philippine Idol Fast Tracks
to be held at SM Sta. Rosa


ni Nani Cortez

Sta. Rosa City--Join the Philippine Idol Fast Tracks at SM City Sta. Rosa on June 4 (Sunday) and get a chance to win P2 milion worth of cash and prizes and a talent management contract.
This could be the chance you’re looking, a once in a lifetime opportunity to show the real talent in you. If you are 16-28 years old and a Filipino citizen, register at SM City Sta. Rosa on June 4 between 10:30 a.m. to 12 :00 noon with your ID or birth certificate, latest 2x2 picture and at least two songs with its corresponding minus one.
Qualified contestants will perform at 2:30 p.m. of the same date wherein each will have an opportunity to win paid transportation and accommodation to the regional audition or get a crack with special VIP pass that will enable holder to go through stages of audition without having to queue with other contestants.
After each performance, local judges will provide an objective critism to every contestant in terms of talent, voice and singing ability, delivery and diction, looks and personality that would determine the “x factor” or star appeal.
Fast Tracks winners will be accommodated to the regional auditions at the PICC where they’ll wait their turn to face the Philippine Idol’s panel of judges for the first time.
It’s a date! You might be the 1st Philippine Idol (those currently building a talent or recording contract are ineligible to join).
Nineteen SM Branches nationwide will be the venue of preliminary audition of Philippine Idol Search along with media partners Manila Broadcasting Company (MBC) and Radio Mindanao Network (RMN) as spearheaded by ABC Channel 5.

Papel ng TransCo-SLOM,
inilahad sa taumbayan

ni Anna Katrina Nava

CALAMBA CITY--Isang makabuluhang pagkakataon para sa pagpapalaganap ng mga tamang impormasyon ukol sa pangangasiwa sa mga linya ng kuryente ang pagkapag-anyaya ni broadcaster Jun de Roma ng palatuntunang “Kabalikat ng Diyos Para Sa Bayan” sa himpilang DZJV kay Communication Specialist Nelson S. Bautista ng National Transmission Corporation-South Luzon Operations and Management (TransCo-SLOM).
Dito ay masusing ipinaliwanag ni Bautista ang mga gampanin ng TransCo-SLOM gayundin ang mga responsibilidad ng mga sangguni-ang barangay upang mapangalagaang matatag at maayos ang daloy ng kuryente kung saan ito kinakailangan, at ang mga paalaalang pang-kaligtasan para mailayo ang mga mamamayan sa mga ka-pahamakang dulot ng may matataas na boltaheng linya ng kuryente.
Ayon kay Bautista, bilang isang korporasyon, bahagi ng misyon ng TransCo-SLOM ang makatulong sa pangangalaga para mapanatiling matatag ang kapaligiran.
Nabanggit din niya na bagama’t mapanganib ang mapalapit sa mga live wire ay marami rin ang nagtatagumpay na manakaw ang mga kawad ng kuryente at mga tore nito.
Dahil dito, sa kabila ng maayos na kalalagayan ng panahon, o walang dumaraang bagyo at paglindol, ay nagkakaroon ng mga hindi nakatakdang pagkawala ng kuryente o brown-out
Ipinaalaala rin ni Bautista na ang TransCo-SLOM ay bumuo ng isang information education team sa pangunguna niya at ni Atty. Susan Casareno ng Legal Division na lumilibot sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, at Sorsogon upang makipag-ugnayan sa mga local media organization.
Iniulat nila ang magandang pakikipagtulungan ng lahat ng himpilang kasapi ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) para sa mabilisan at malawakang diseminasyon ng tamang kabatiran ukol sa kahalagahan ng mga linya ng kuryente sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan, at sa kaunlarang pambansa.
Ang IEC team ay nabuo bunga ng matagumpay na implementasyon ng palatuntunang Barangay Ugnayan Laban sa Brown-out (BULB) at Zero Pilferage na binalangkas ng tanggapan ni Asst. Vice Pres. Armando A. Buencamino.
Ang nabanggit na mga palatuntunan ay salig sa maayos at tuwirang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan na mabilisang nauunawaan ng mga karaniwang mamamayan sa tulong ng mga local mass media.


TransCo-SLOM goes on air. Si Communication Specialist Nelson S. Bautista ng TransCo-SLOM habang kinakapanayam ni DZJV broadcaster sa palatuntunang “Kabalikat ng Diyos Para Sa Bayan”. (Anna Katrina Nava)

Housing projects
for cops in full blast

CAMP VICENTE LIM, Laguna-“Policemen will not rent houses anymore because they will have their own homes.”
Deputy Chief for Administration Police Director General Oscar Calderon said that they are still looking for areas in various provinces for affordable housing projects to members of Philippine National Police (PNP).
In his visit Thursday afternoon in the Induction of PRO4 Press Corps Officer in Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna, Calderon told media men that this housing program for policemen nationwide is a great help to those policemen who are still renting houses.
He said that most policemen cannot build their own houses because of low salaries and high cost of construction and this is the main reason the PNP put a housing program for all policemen whatever their ranks.
“If you can find lots here in Laguna or in any part of Calabarzon where you can build your own house, go on because the (housing) program will help you. It’s better if you can find government lots because it’s much cheaper than private lots,” Calderon said.
Under this program initiated by President Arroyo, the house will be build at the cost of P60,000 which the policemen will pay P500 a month.
Only half of the P60,000 will be paid by the policemen because the half (P30,000) will be shouldered by the Armed Forces and Police Saving Loan Association Incorporated (AFPSLAI).
Calderon also said that based on statistics, only six out of ten policemen or sixty percent have their own houses while the rest are renting houses or living in their parents homes.


Si Mayor Vicente B. Amante at 2005 Mutya ng San Pablo sa katatapos na Grand Flores de Mayo na ginanap noong Mayo 21. (CIO/cby)

Miyembro ng Valle
Verde gang, nadakip

ni Roy Tomandao

Camp Vicente Lim, Laguna-Arestado ng mga tauhan ng SOG Laguna, Laguna PPO, RIO4A, TMG4A at San Pablo Police ang isang miyembro ng Valle Verde Gang sa Brgy. San Rafael, San Pablo City kamakailan.
Ayon sa report ni P/Supt. Luisito de Leon, Laguna PNP Director, dakong alas-9:30 ng umaga nang salakayin ng mga otoridad ang safehouse ng suspek na si Roberto Jhon Aglipay, 28 anyos, nagta-trabaho sa Sure Connect Call Center sa Makati City at nakatira sa naturang lugar.
Ang pagsalakay sa bahay ng suspek ay sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Nicolas V. Fadul Jr. ng MCTC, Paete, Laguna.
Nakuha rito ang isang caliber 9mm, dalawang magazine 9mm, mga magazine ng M16 armalite rifle, 680 rounds na bala ng M16, isang pares ng camouflaged PNP uniform, dalawang piraso ng M203 ammo bandolier at isang Honda CRV na may plakang XSY 607 model 2005 na napag-alamang pag-aari ni Roberto Ramos Francis ng San Pedro, Laguna.
Napag-alaman na ang kotse ay kinarnap noong Abril 16, 2005 at isa pang Toyota Vios model 2005 na pag-aari naman ni Marcos Garcia ng Parañaque City na kinarnap noong Enero 12, 2006 sa Brgy. Banga, Talisay, Batangas.
Si Aglipay na kilabot umanong karnaper sa Calabarzon at nag-operate din sa kamaynilaan. Tinutugis pa ng pulisya ang iba pa nitong kasamahan.





CVLPC bowling tour. Isang bowling tournament ang inilunsad ng Camp Vicente Lim Press Corps noong Mayo 22 sa Olivarez Plaza, Los Baños, Laguna. (Itaas) Ang ceremonial throw sa pinangunahan nina CVLPC presidente Benjie de Galicia ng DZRH at Mac Dormiendo, Communication Officer ng South Luzon Advocacy Group ng San Miguel Corp. (Ibaba) Inaabot ni Jojo Barqueros, District Dfficer ng Vice Governor’s Office na kumatawan kay Vice Gov. Edwin Olivarez, ang cash prize na P3,000 na nagwaging White Team na kinabibilangan sina Benjie de Galicia DZRH, Dan Bicomong ng Remate, Nani Cortez ng Herald Group of Publications, Mar Diozon ng Laguna Score at Jun de Roma ng Dzjv. Ang torneyo ay proyekto ng CVLPC. (kuha nina:Roy Tomandao/Ladylou Manuel)

Maraming maralita ang makikinabang

Kahalagahan ng pagtatayo ng
isa pang ospital, isina-publiko


ni N.Q. Vidal, CIO


SAN PABLO CITY--Personal na ipinaliwanag ni Mayor Vicente B. Amante sa mga bumubuo ng Committee on Law, Justice and Human Rights ang kahalahagan ng pagpapatayo ng San Pablo City General Hospital upang ganap na matugunan ang pangangailangan pang-kalusugan ng mga mamamayan lalo na ang mga maralita.
Sa ginanap na public hearing noong Mayo 18 sa Session Hall, sinabi ni Amante na hindi maiiwasan ang patuloy na pangangailangan sa pagtatayo ng mga karagdagang paggamutan dahil patuloy na lumala-ki ang populasyon ng lunsod.
Dumalo rito ang ilang punong barangay upang magpakita ng lubos na suporta at pagsang-ayon sa makabuluhang proyekto ng punonglunsod.
Binigyan naman ng assurance ng mga miyembro ng committee na kanilang pagtutuunan ng pansin at pag-aaralang mabuti ang proposal ng punonglunsod upang mapagkalooban ng agarang aksyon.
Ayon kay Amante, tulad ng iba pang suliraning panglipunan, ang pagpapagamot ay hindi maiaasang lahat sa pangasiwaang pambansa at panglalawigan.
Gaya ng napag-usapan na nila ni Acting Hospital Chief Jose F. Guia ng Pagamutang Panlalawigan ng Laguna sa Lunsod ng San Pablo, sinabi ni Amante na ang pagtatayo ng sariling pagamutan ng panga-siwaang lunsod ay hindi para magkaroon ng kompetisyon sa paglilingkod.
Sa halip aniya, ang bibilihing mga makabagong kagamitan ng pangasiwaang lunsod ay yaong wala sa provincial hospital upang ang dalawang institusyon ay magkatulungan kung saan makakatipid pa ang pamahalaan sa gugulin dahil sa walang duplikasyon.
Ayon naman kay Dr. Job Brion, City Health Officer, ang SPCGH ay magsisimula muna bilang primary hospital na magbibigay ng serbisyo sa mga minor cases o minor operations at ito ay magkakaroon lamang ng 50 kama.
Ang mga secondary o tertiary case ay inire-refer na sa mga “tie up hospital” gaya ng Philippine General Hospital and Medical Center.
Aniya, sa katunayan nito, ang core personnel ng binabalak na ospital ay mula sa kasalukuyang tauhan ng City Health Office.
Para sa mga may kakayahang bumayad, ang mga private practitioner na may accreditation ng PhilHealth ay maaari ring magpasok ng pasyente rito.
Ipinaliwanag naman ni Lolita G. Cornista, City Accountant, na ang SPCGH ay magiging socialize hospital at income-generating and self-liquidating o mababayaran mula sa sariling kita ang ipinagpatayo nito.


Emergency drill
sa San Pablo, pinuri


SAN PABLO CITY--Maayos na koordinasyon ng bawat tanggapan, tamang rescue operations at nakatugon sa pamantayang itinatakda ng National Disaster Coordinating Council.
Ito ang naging reaksyon nina Communication Specialist Nelson Bautista at Anna Kathrina Nava ng Corporate Affairs Office ng National Transmission Corporation-South Luzon Operations and Maintenance (TransCo-SLOM) sa ginanap na earthquake drill noong Martes ng umaga sa City Hall
Binigyang pansin lang nila na ang dapat pag-ukulan ng pansin ay ang direksyon ng paglayo sa 8-Storey Building kung saan sa halip na patungong A. Mabini Street Extension ay mas makabubuting tumuloy sa Doña Eusebia Street patungong Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.
Anila, maraming high tension wire ng telepono at cable television ang nakalatag sa kahabaan ng A. Mabini St. na kung may lindol ay mapanganib na malagot samantalang ang direksyon patungo sa nasabing paaralan ay walang malalaki at mataas ang boltaheng linya ng kuryente.
Samantala, kung isasaalang-alang ang mga kagamitang ginagamit sa kasalukuyan sa pagtatayo ng mga gusali, pang-residensyal man o pangtanggapan, sinabi ni Nava na ang pinakamabuting paraan upang magkaroon ng kapanatagan sa isang gusali at maging matatag kung ugain man ng lindol ay ang pagtiyak na bago pa man simulan ang pagtatayo ay may nakahanda ng plano ng binabalak na istraktura na inihanda ng mga rehistrado at lisensyadong arkitekto o inhenyero.
Ang mahalaga aniya ay ang tamang pagsunod sa itinatagubilin ng National Building Code of the Philippines sa ilalim ng Presidential Decree No. 1096.


Pulso ng Bayan

Flor David

Welcome sa bagong PIO ng PRO4A

Pormal nang naupo bilang Public Information Officer ng Police Regional Office 4A (Calabarzon) si P/Chief Insp. Romeo Alerta Baleros. Si Baleros ang pumalit kay P/Supt. William Duldulao na ngayon ay nanunungkulan bilang deputy chief sa Lungsod ng San Pablo.
Si Chief Insp. Valeros ay nanggaling sa 401st PMG Camp, JP Razon, Sitio Palico, Nasugbu, Batangas. SIya ay ipinanganak noong Hunyo 6, 1964 sa Iba, Taal, Batangas at kasal kay Wendy R. Baleros.
Ang bagong Regional PIO ay may tatlong anak na sina Ralph, Ranz at Ruzh na pawang mga lalaki. Siya ay naglilingkod bilang junior officer mula sa Recom 5 hanggang Calabarzon PNP. Ito ay nagkamit din ng iba’t ibang medalya ng pagkilala mula Feb. 28, 1992 hanggang sa buwang kasalukuyan kung saan halos lahat ng uri ng merito at komendasyon ay nakamit nito sa kabuuan ng kanyang panu-nungkulan hanggang sa tumaas bilang opisyal ng Calabarzon PNP.
Si Baleros ay nagsimula bilang regular sa PNP member noong May 1, 1989, na-commission noong 1991 at naging permanente simula Agosto 1991. Nagsimula sa Iba Elementary School 1971-1976 at nagtapos sa kolehiyo ng Rizal College sa Taal noong 1987.
Sa bagong talagang Regional PIO, ipinaabot naming mga mamamahayag kasama sina DDEA Oscar Calderon, incoming PNP chief, PRO Calabarzon Dir. Prospero Noble, at PPO Laguna Dir. Luisito de Leon ang mainit na pagtanggap.
Congratulations and more power, Major Romy Baleros!


SILIP

ni Roy Tomandao

Kanino ang katarungan?

Tila napaglalaruan na ng pulitika ang batas sa Lungsod ng Sta. Rosa makaraang bumaliktad ang tadhana para sa pamilya ni dating Mayor Leon Arcillas at ng nasawing Kon. Artemio Gomez na kapwa humihingi ng katarungan dahil ilang taon na ang nakakalipas kahit pa nagtatag ng isang special task force para malutas ang pagpaslang sa kanila ay wala pang nananagot sa batas.
Pinaslang ng hindi pa kilalang salarin si Mayor Arcillas noong Mayo 10 habang si Kon. Gomez ay noong Agosto 22. Hanggang ngayon ay wala pang linaw ang kaso at tila nagtutulug-tulugan ang mga otoridad. Mailap pa rin ang katarungan para sa pamilya ng mga biktima. Sa katunayan, doble dagok pa nga ang sinapit nila makaraang sampahan ni Mayor Joey Catindig ng kasong frustrated homicide sina Vice Mayor Arlene Arcillas-Nazareno, Councilor Arnel Gomez, City Assessor Nelly Gomez, City Council Secretary Cynthia Gomez at Angel Perez.
Madami ang nagtataka dahil biglang may nakuha agad na dalawang testigo sa di-umano’y pag-ambush kay Catindig noong Mayo 10 sa Brgy. Malitlit. Ang isa sa mga ito ay isa daw pulis na biglang naging star witness sa kaso laban sa mga Arcillas at Gomez.
Sino nga ba ang biktima at nambiktima? Bumabaliktad na ang ba ang timbangan ng katarungan?
Sana naman ay maging pantay ang batas sa Sta. Rosa. Managot ang dapat managot. Sino nga ba ang dapat mabigyan ng katarungan sa ganitong kaso?
Katarungan para sa mga naapi!!!!..
-------ooOoo-------
KUNG SINO MAN ANG MAY SUHESTIYON O SUMBONG MANG-YARI LAMANG TUMAWAG SA 09214843094 O MAG-EMAIL SA roytomandao123@yahoo.com. SUSUBUKAN NATING MATUGUNAN ANG INYONG SUMBONG SA ABOT NG ATING MAKAKAYANAN.


In dis korner

Anong Laviña

Tiririt ng maya, tiririt ng ibon
May gusting magcha-cha, tugtog ay regodon
Kaya nararapat ang dapat isulong
Ating pagyamanin batas natin ngayon
-------ooOoo-------
Ngunit may sinabi ang pangulong liyag
May mga dayuhang dito’y magtatatag
Ng mga pabrika sabi’y siyang lunas
Sa kababayan tang, ngayon naghihirap.
-------ooOoo-------
Hindi ba’t maraming mga nakalagay
Na ubod ng daming mga pagawaan?
Ang mga obrero’y puro na “contractual”
Lilimang buwan pa, sila’y tinatanggal
-------ooOoo-------
Ang nagsisiyaman ang mga ahensiya
Pagkat sila lagi-laging may kontrata
Mga manggagawa ay tumatanda na
Na hindi regular ang trabaho nila
-------ooOoo-------
Kung sila’y tumanda, lampas na ang edad
Dahil sinusunod, “age limit” ang tawag,
Walang mapasukan, hindi na matanggap
Nagiging palaboy sa bisyo ang sadlak
-------ooOoo-------
Kaya ang nararapat na dito’y unahin
Mga aplikanteng kababayan natin,
Diretso na sila doon sa “management”
Ang mga ahensya dapat na tanggalin.
-------ooOoo-------
Kung masusunod lang at isasagawa
Magiging tahimik welga’y mawawala
Tatahimik na rin lahat matutuwa
Tuloy ang pag-unlad nitong ating bansa
-------ooOoo-------
Kaya pakiusap mabunying pangulo
At pakiusap din diyan sa Kongreso,
Kayo ang patnubay ng mga obrero
Kayo ang Santa Clause, ngayong magpapasko.



Circle-a-Name

by Karen C. Agapay

anglican
islam
orthodox
aglipayan
hinduism
shinto
pentecostal
baptist
judaism
budhism
lutheran
sikhism
catholic
methodist
taoism
mormon
unitarian
iglesia ni cristo



Tanglaw

Nani Cortez

Bro, magpasuri ka

Upang lubos na malinawan kung naging parehas ang may-akda sa paglalatag ng pangyayari hinggil sa balitang inilabas ng ating mother publication na The Wednesday Herald na may pamagat na PANINIRANG PURI, sanhi ng kumosyon sa SP ay makailan ulit ko itong muling binasa subalit wala akong makitang pagkakamali sa kanyang kaanyuan manapa’y isa itong matapat na paglalarawan ng mga kaganapan nang mga sandaling iyon.
Maikli lang ang balita at walang duda na isa itong straight news sapagkat kumpleto sa sangkap at nasagot lahat ang mga nais mala-man ng mga mambabasa o mga katanungang nasa kanilang pag-iisip buhat sa pagkakatunghay pa lamang ng pamagat.
Sa kabatiran po ng mga mambabasa, ang isang balita ay marapat lang na makatugon sa inyong posibleng itatanong tulad ng ano at bakit nangyari, sino ang mga tauhang sangkot sa mga pangyayari, kailan at saan naganap ang pangyayari. Kung kulang pa, dapat ding isama kung paano bibigyang katarungan ang iyong ibinabalita na tinupad ng may-akda. Para sa lubusan ninyong ikauunawa, katunayan ay hawak ko pa ang GSIS LOAN ACCOUNTS BALANCES INDEX na may halagang P120,000 ng konsehal na siya kong pinagsaligan ng balita.
Mahigpit na panuntunan ng Herald na maging parehas sa lahat ng pagkakataon na kung maaari ay maibigay ang katwiran ng mag-kabilang panig. Sinubukan kong tawagan ka Bro sa iyong cellphone kahit sinabi mo nang nawala ito. Magkaganun man ay nagbakasakali rin ako, dahil minsan, ikaw ay JOKER. Bandang 1:52 ng hapon noong Miyerkules, Mayo 17, ay tumawag ako sa iyong officemate para mag-return call ka ngunit wala akong natanggap hanggang alas kwatro. Hindi pwede bro na ma-delay ang printing ng The Wednesday Herald kasi baka maging The Thursday Herald ito.
Sa likod ng mga sirkumstansyang naturan ay hindi ka naapi sa ginawa kong pagbabalita, bro. Hindi ka rin naapi sa mga pangyayari at sa halip kung tutuusin ay naka-agrabyado ka pa nga ng konti o may tubo ka pa dahil bukod sa naantig mo ang silakbo ng iyong katunggali ay nakapagpaluha ka ng isang ina ng kanyang mga anak na marahil ay wala pang nakagagawang media personality. Ang human drama na ito ay ikinubli ko sa likod ng aking balita sa dahilang ayaw ko na ikaw ay madiin.
Kaya lingid sa iyong kaalaman ay natulungan na kita bago pa man o habang sinusulat ang balita katulad ng pakikiisa ko sa iba pa nating kasamahan. Walang puknat ang ginawa kong pagpuna sa isang mataas na opisyal noong batuhin niya ng bote ang isang mamamahayag. Sa nalolooban nang tatlong buwan ay ikinampanya ko ito ng nag-iisa at kamakailan lang pinangunahan ng aba mong kaibigan ang pagpapagamot sa isa nating kasamahan na biktima ng isang sakuna na hindi kailanman naghihintay ng kapalit.
Kapatid, nangangamba ako dahil as you fight your adversaries, you also fight your colleagues. Nakababahala na sinisimulan mo nang labanan ang iyong sarili na nagbabadya ng isang masamang sen-yales. Kaya bro payo ko sa ’yo, sa susunod mong pagpapa-confine sa pagamutan, try consulting a psychiatrist.



Roman Candle


Allan Christopher Beltran

‘For awhile’ and other Pinoy English

I promise that I am not going to write about the hoopla surrounding the film version of “The Da Vinci Code.” I only have to comment on the stupid effort theater owners in Metro Manila exerted to remind (or entice) moviegoers that the movie is “kathang isip lamang.” Lame, lame, to say the least, especially seeing that the reminders were written on print bond, clumsily pasted on the movie posters. (Tsk, Tsk...)
What I am going to tell about is my experiences as a call center applicant in Metro Manila two weeks ago. In Alabang, I was interviewed by a certain Christine, who looked a few years younger than I. While waiting to be interviewed, I overheard her talking to another applicant, saying something like, “What did so-and-so told you?”
Right then I wanted to run out the door, screaming. I thought I should check out the malls instead than endure this interviewer‘s sentence deconstruction. But I did endure it, and couldn’t help getting bored and restless during the rest of the interview.
Is this the kind of high-ranking employees they have at call centers? What kind of regular call center agents do they have, then?
It wasn’t the only travesty the poor girl committed: not once did she say “texted” in two syllables, as in “Texted.” She shouldn’t even be using her nouns as verbs in the first place, and using such terms is too informal for business talk. She was also a telling victim of the annoying Pinoy phone courtesy “For a while.” Do I really want to work in a company that hires and promotes people who keeps on telling everyone “For a while”?
Don’t get me wrong. I am not pedantic. I am always the first to frown on formalities and jargons in English conversation and writings. But the girl was an embarrassing proof of how the language is being butchered by today’s working class generation, using cell phone English.
Where do these call center kids learn their English, anyway?
-------ooOoo-------
I belong in the generation that grew up watching the news on TV in English. I was exposed to Harry Gasser and Cathy Santillian, who were already reciting the news as early as 5.30 in the afternoon, then we were treated again with their impeccable accent and diction at 9.30pm. It’s hard not to pick up even a little of their skills when you are exposed to it day in and day out.
Today’s generation is exposed to 24 Oras and TV Patrol, in the vernacular. The network claims this is in keeping with the changing times and the national spirit promoting our own language. But in truth, they are just in it for the ratings, pandering to the masa and condescending it.
This promotion of a sense of national language and identity is really not in keeping with the changing times and the evolving demands of the economy. Nowadays, more and more businesses are requiring people who speak the English language fluently. And based on what I myself have witnessed, the country is not doing so good.
-------ooOoo-------
In Makati, there was one middle-aged guy, orienting applicants on the routines of job interviews. He was doing good as far as pronunciation and sentence destruction, er, construction, are concerned. He was actually rather amusing. Until he told one of the applicants, “I could have teach you better.” Then, the amusement was directed to his own inadequacy.
After that, I couldn’t pay attention to what he was saying anymore, but just waited for him to say something stupid again, like, “For a while.”




by Monette Arroyo

ISO standard
on early warning
devices to reduce
car tire blowout


A new ISO standard is now available for tire pressure early warning devises for improving vehicle safety and performance and decreasing the risk of an accident due to under-inflated tires.
One or more significantly under-inflated tires can seriously reduce vehicle performance and safety. Pressures lower than the manufacturer’s recommendation may permanently alter tire characteristics and can even provoke sudden total pressure loss – the dreaded “blow-out”. Such risks could be drastically reduced if an electronic sensing device able to evaluate the pressure of the tires is installed in the vehicle. This technology is known as a tire pressure monitoring system.
ISO 21750:2006, Road vehicles – Safety enhancement in conjunction with the tire inflation pressure monitoring, establishes overall performance guidelines for tire pressure monitoring systems designed to alert the driver when an unsafe and incorrect tire pressure is detected and needs corrective action.
For vehicle users, these systems provide a convenient system for tire pressure monitoring for optimum tire performance and wear. They should also prevent tire damage and destruction caused by running the tires under-inflated due to punctures, valve leaks, or lack of pressure maintenance.
Tire pressure monitoring systems use sensors mounted inside each tire. The sensors measure the pressure and temperature within each tire and then transmit this information back to the receiver unit located within the vehicle. These systems provide a dashboard display of tire pressures for each tire, as well as warnings for under-inflated tires.

Dear PhilHealth


Cleofe M. Montemayor

Sa panahon ngayon, mahirap ang magkasakit, magastos at nakakatuliro lalo na kung wala tayong nakalaang pera para dito. Sa liham na aming natanggap mula sa isang miyembro sa ilalim ng Sponsored Program, damang-dama namin ang hirap ng kanilang kabuhayan na lalo pang pinahirap ng dinadalang sakit ng ilaw ng tahanan. Bunsod ng matinding pagmamahal para sa kanyang mga anak, nagnais siyang makahanap ng lunas para sa kanyang sakit. Siya ay dumulog sa aming tanggapan upang malaman kung ano ang dapat gawin upang magamit niya ang kanyang benepisyo. Ating tunghayan ang kanyang liham…
-------ooOoo-------
Dear PhilHealth,
Isa po ang asawa ko na nabahaginan ng PhilHealth Card na ipinagkaloob ni Pangulong Arroyo. Kaya po ako sumulat ay gusto ko pong makapagpagamot sa napakatagal ko ng karamdaman. Hindi po ako makapagpagamot sa dahilang wala pa akong itutustos dahil mahirap lang po kami at kung minsan nga po ay wala pang makain kung kaya ang naturang sakit ay hindi mabigyang lunas at natatakot ako hindi para sa aking sarili lamang. Natatakot po ako na baka malala na ang sakit ko at mahawa alinman sa aking anim na anak na pawang maliliit pa ang apat. Kapag sinusumpong po ako ng aking karamdaman ay hindi ako makakain at makatulog sa sobrang sakit ng likod at balakang na sinasabayan pa ng matinding ubo. Payat na payat na po ako at sobrang hirap na po ang aking nararanasan dahil sa aking sakit na hindi ko alam kung anong uri ito ng sakit. Sana naman po sa pamamagitan ng aking PhilHealth card ay mabigyan lunas ang aking karamdaman. Isa pa rin po ay hindi ko alam kung paano ang aking gagawin para makuha ko ang tamang benepisyo para sa aking sakit. May kalayuan po ang aming barangay at napakaramot ng mga may bangka na magpasakay na walang bayad. Isang libo po naman kung aarkila. Isa pa rin po ay wala akong matutuluyan sa bayan ng Mauban kaya sana po ay matulungan ninyo ako alang-alang man lang po sa aking mga anak na nangangailangan ng kalinga ng ina.
Wala po akong alam kung paano gagamitin ang PhilHealth Card dahil kahit elementary ay hindi ako nakatapos. Sana po ay tugunin ninyo ang liham kong ito at sa pamamagitan ng pagsagot ninyo sa liham ko ay malaman ko ang aking dapat gawin. Kasal naman po kami ng aking asawa na si Romeo Abo.
Umaasa at gumagalang,
Mrs. Melita V. Abo
-------ooOoo-------
Mahal na Gng. Abo:
Ang ipinamahagi pong family health card ng PhilHealth sa ilalim ng enhanced PCSO GMA program ay maaaring gamitin ng miyembro at ng kanyang kwalipikadong makikinabang sa mga sumusunod na kaso:
· Pagkaka-ospital dahil sa sakit na nangangailangang ipasok sa ospital;
· Outpatient kabilang ang pagpapatanggal ng katarata sa mata, chemotherapy, radiotherapy, hemodialysis, at minor na operasyon
Magagamit po ninyo ito sa panahong nakasaad sa family health card na ibinigay sa inyo. At upang magamit ang inyong bebepisyo, importante na:
· Na-confine ng hindi bababa sa 24 na oras sa isang accredited na ospital ng PhilHealth
· Hindi pa nauubos ang 45 na araw na allowance na ibinibigay ng PhilHealth sa miyembro at 45 na araw para depedents
Ang dapat po ninyong gawin ay ipakita at ibigay ang kopya ng family health card at marriage contract na may registry number sa Medicare/PhilHealth section ng ospital upang ito ay inyong magamit.
Sana po ay nabigyang kasagutan namin ang inyong mga tanong.
Lubos na gumagalang,
Cleofe M. Montemayor
-------ooOoo-------
Inaanyahan ang lahat na magpadala ng kanilang liham sa:
PhilHealth Regional Office IV-A
AMCJ Square Bldg., Diversion Road
Brgy. Bocohan, Lucena City 4301
o mag-e-mail sa info.pro4a@philhealth.gov.ph o sa region4a@ philhealth.gov.ph upang maipaabot ninyo ang inyong katanungan sa aming tanggapan.



Pulikula atbp.

Pio Platon
Media killings: Alarming
The proposal that media men (print and broadcast) be allowed to carry firearms for self defense, I have no objection. But I don’t agree that it will solve the problem and cease media killings. The govern-ment can allow us to carry guns but I’m pretty sure and bet with anyone that these murders even in broad daylight won’t stop unless the authorities do something boldly by bringing the perpetrators to justice.
Just recently when the subject or arming journalists were making headlines, a number of local newsmen were slain. Barely days ago, a radio commentator from Palawan was murdered.
This only shows that arming journalists does not scare the hell out of would –be-assassins and those who hire their services. Rather, they only embolden the enemies of mediamen and prove that the authorities are helpless in catching the killers and their masterminds that the policemen would rather leave journalists the duty to defend themselves.
Indeed, the rate of frequency of media killing has reached alarming proportions and the police authorities except from rhetoric not matched by actions, appear to be really incompetent to address the problem. Ever since spate of killing journalists started, not a single suspect has been brought to justice either by being arrested or charged in court.
Unless, these would-be-assassins are made to be afraid that their actions will merit punishment, these killings would continue. Arming journalists will absolutely not solve the problem and will even spawn anarchy in the media industry. The solution is for the policemen to go deeper into unsolved cases of media murders and bring not only the triggermen but also most importantly the masterminds who come from the powers that be to justice and behind bars.
——ooOoo——
Advocating that “No one is to be denied access to health services by reason of poverty,” BarangayChairman Delfin de Claro of Bucal, Calamba City continuously conducts free medical and dental missions to indigents in 6 puroks in the barangay. Recently, the Good Samaritan Church at Spring Homes held free consultation and treatment to the constituents. Pastors Julito and May Undang gave bible study for spiritual upliftment. This June, another medical-dental missions will be held. This time the sponsor is the Senate Spouses Foundation through Mayor Vilma Santos-Recto, Mila Drilon and Susan Ople.
Barangay Chairman de Claro’s outstanding feats are declogging of canals, implementation of RA 9003 (Solid Waste Act). Inter-purok clean and green competition and sports tournament.
——ooOoo——
Speaking of Barangay Bucal, on June 7 will be their fiesta. Line of activities in honor of Patron Saints San Isidro Labrador which include singing contests for senior citizens (June 4), Miss Gay Beauty Pageant (June 5), dance contests and band serenade (June 6) and fireworks display courtesy of Vice Mayor Oruga and Councilor Eddie Silva of Calamba City and a musical jamboree (June 7).
Barangay official de Claro firmly believes that the only purpose of his governance is for the welfare and concern of his constituents. Happy fiesta and may your tribe increase!
——ooOoo——
Almost 300 kids had their free circumcision during the “Operation Tule” at San Pedro Municipal Hospital, San Pedro last May 23 in cooperation with Jose P. Rizal Memorial District Hospital chaired by its chief Dr. Gonzalo C. Lavarias, Jr., MHA.
Together with Dr. Lavarias were Dr. Lorna Sta. Maria, nurses Jesus Alzona, Dennis Lasat II, Bienvinida Alcantara, nursing attendants Merceditas Lebrilla, Purita Viriña, utility foreman Loreto Garcia, radio technician Edward Francisco, driver Teodorico Loyosa and volunteer nursing attendants Juancho dela Peña, Ma. Virginia Mejia and Marivic Montejo who took time out from their regular duties at JP Rizal Memorial District Hospital.
——ooOoo——
Happy fiesta to Jovy del Rosario and Marissa Decena of Kainan ni Tita Isang at Barangay Pansol on May 30. Greetings also go to Gershon, Myra, Jomar and grandchildren Harvey and Raven.
President’s job program
launched in Region 4A

ni Lolitz Estrellado

The PGMA Roadside Maintenance Job Creation Program was launched on Tuesday led by the Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 4-A Director Bonifacio Seguit and some 1,000 urban poor and out-of-school youths participated.
Seguit stressed that the program is in support of the 10-point agenda of President Arroyo to generate countrywide employment.
The employment program, he said, started when the president launched the “Kalsada Natin, Alagaan Natin (KNAN)” progran in which 17,000 skilled workers were employed.
“President Arroyo allotted an additional P500 million from the Motor vehicle Users Charge (MVUC) for the job generation program. Its beneficiaries are tasked to handle the road maintenance and flood control activities in the Southern Tagalog Region or CALABARZON (Region 4-A),” Seguit explained.
He added that the other beneficiaries will be assigned in vegetation control, street sweeping, maintenance of center islands, painting of curbs and gutters, centerline painting, pothole patching, manual grading of shoulder line and ditch cleaning and other beautification activities.
Seguit noted that the employment program of the president is a resounding success, as 86.04 percent of 1,976 workers were already hired as of May 10.
From January to April 2006, various engineering offices of the DPWH in Region 4-A employed 1,000 laborers while 2,300 maintenance workers will be hired from May-December this year. The program was launched earlier in Atimonan, Quezon; Sta. Rosa City, Laguna and other parts of the region.
Ang pagbibigay ng karangalan sa mga nagwagi sa karera.

2nd CYCLING TOUR OF LAGUNA. Si Vice-Gov. Edwin L. Olivarez habang iwinawagayway ang bandila bilang hudyat ng pagbubukas ng 2nd Cycling Tour of Laguna 2006 na inisponsoran niya kasama si Egay San Luis at ang Angat Laguna Foundation Inc.

Laguna News Bits
Ni Flor David

Earthquake drill,
ginanap sa San Pablo

San Pablo City--Isang earthquake drill ang ginanap noong Marso 23 sa City Hall Complex sa pangunguna ni Head Executive Assistant Marius F. Zabat na siya ring designated Disaster Control Manager and Action Officer ng City Disaster Coordinating Council.
Ito ay bahagi ng Building Emergency Evacuation Plan o BEEP na isang proyekto ng SPCDCC sa pamumuno ni Mayor Vicente B. Amante bilang council chairman sa pakikipag-ugnayan sa National Disaster Coordinating Council na pinangunguluhan ni Defense Secretary Avelino Cruz.
Ang BEEP ay binubuo ng First Aid Team, Site Security Team, Fire Safety Team, Evacuation Team at Communication Team.
Isang actual emergency assistance ang isinagawa rin para sa pagbibigay ng first aid sa nasalanta ng lindol.
-------ooOoo-------
Kelot patay sa onsehan
sa droga

Cabuyao, Laguna--Isang lalaki ang binaril ng 2 hindi nakilalang suspek habang sakay ng motorsiklo sa Sitio Negrohan, Purok 6 sa bayang ito kamakailan.
Ang biktima ay nakilalang si Conrado Acetena, 26 anyos, isang truck helper at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat, kasama ng biktima ang mga suspek at papunta sa nasabing lugar upang mag-pot session nag biglang binaril ng huli ang una na malapitan.
Matapos ang pamamaril ay kinuha ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima na ginamit sa pagtakas.
Hinihinalang onsehan sa droga ang motibo sa nasabing pamamaslang.
-------ooOoo-------
Pulis, sabit sa pamamaril
Pila, Laguna--Isang pulis Victoria ang nasasangkot ngayon sa kasong serious physical injury makaraang magpaputok ng baril sa laro ng basketball sa nasabing bayan.
Sa ulat na tinanggap ni Laguna PPO Dir. Luisito de Leon, nag-away ang grupo mula sa ng Bulilan at Sta. Clara Sur at sa gitna ng kaguluhan ay nagpaputok ng warning shot ang pulis na si PO2 Jerry Ohagan subalit ang bala ay tumama sa bakal na haligi ng covered court at tumama sa mga biktimang sina Jun Salabsabin at Erwin Francisco, pawang mga residente ng Bulilan Sur.
-------ooOoo-------
Mister, huli sa
pangugulpi sa misis

Calamba City--Dahil sa matinding sagutan ay ginulpi ni Rizal Josue ang kanyang asawang si Marcelina Josue, 38, pawang residente ng Sitio Tibagan, Brgy. Sirang Lupa ng lungsod na ito.
Sa sama ng loob ng babae ay nagharap ng reklamo sa barangay at pulisya rito sa ilalim ni P/Supt. Roland Bustos kung saan nahaharap ngayon ang suspek sa kasong violation against women and children.

1 Comments:

At 4:18 PM, Blogger Kimmy said...

This comment has been removed by the author.

 

Post a Comment

<< Home