Sunday, April 16, 2006

The Southern Tagalog Herald Cavite -- Apr. 2 - 8, 2006

Drug den sa
Dasma, sinalakay

2 taong gulang na paslit,
ginawang taguan ng shabu


ni Lyka Manalo

DASMARIÑAS, CAVITE--Maging ang isang 2 taong gulang na bata ay ginawang kasangkapan ng kanyang lola upang maikubli ang shabu nang salakayin ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Calabarzon, Regional Mobile Group at Dasmariñas Police ang isang drug den sa H-1, Brgy. Datu Ismael sa bayang ito kamakailan ng umaga.
Naaresto sa naturang operasyon sina Lindi Ambaco, 26, at ang tiyahin ng kanyang asawa na si Hadji Noroniza Dida-agan, 52, kung saan nakuha mula sa kanila ang may 130 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit-kumulang P390,000.
Nabawi rin mula sa mga ito ang isang cal. 22 at 4 na bala nito na nakuha sa bulsa ni Ambaco.
Ayon kay P/Chief Insp. Julius Ceasar Ablang ng PDEA Calabarzon, ang naturang bahay ay isa sa mga drug haven na kanilang sinalakay sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Norberto Quisumbing Jr. ng RTC Branch 21 sa Imus Cavite.
Kasama rin sa search warrant ang 6 pang suspek na sina Marohon Dida-agan alyas Maro, Samanoding Dida-agan, Norata Dida-agan Ambaco, Tata Bagul, Abier Bagul at isang alyas Taxi na pawang residente ng naturang lugar. Ang mga ito ay nakatakas sa isinagawang raid.
Batay sa report na natanggap ng The Soutern Tagalog Herald Cavite, bandang 8:00 ng umaga nang salakayin ang naturang lugar kung saan kaagad lumikha ng ingay at kumakanta pa si Noro-niza sa wikang Muslim habang hawak ang batang anak ni Ambico. Nang bitiwan ang bata ay nahulog umano mula dito ang isang sachet ng shabu.
Nahirapan pa ang mga pulis na isakay si Noroniza sa service vehicle dahil sa pagpigil ng kanyang mga kaanak at pagtanggi nitong sumama sa mga awtoridad.
Samantala, isang araw bago ang insidente ay naaresto naman sa may H-2 sa nabanggit na barangay ang umano’y shabu queen na si Dayamon Busara Muhamad, 34 anyos.
Nakuha mula dito ang nasa 100 gramo ng shabu na may halagang P250,000.
Sa panayam kay P/Supt. Mario Reyes, hepe ng Dasmariñas Police, isa umano sa talamak na bentahan ng shabu ang naturang lugar kaya mahigpit ang kanilang ginagawang pagmomonitor sa lugar.
Sa katunayan aniya, ang Brgy. Datu Ismael ang kanilang uunahin sa kanilang programa na unti-unting mabigyan ng kaalaman ang bawat pamilya hinggil sa idudulot ng pagsangkot sa ipinagbabawal na gamot, gumagamit man o nagbebenta nito.
Sa panayam ng pahayagang ito kay Barangay Chairman Rauf Payut Bayamban, tahasan niyang inamin na hindi nila kayang kontrolin ang bentahan ng droga sa kanilang lugar dahil sa pangamba na sila ang resbakan ng mga malalaking tao na nasa likod ng naturang iligal na gawain.






PNPA Journalism Kampilan Awardee. President Gloria Macapagal-Arroyo watches approvingly as Press Secretary Ignacio R. Bunye presents to Cdt. Morgan Balbin Aguilar of “Bagsay Lahi” Class 2006 the Journalism Kampilan Award during the 27th Commencement Exercises of the Philippine National Police Academy (PNPA) Wednesday (March 29) at Camp Gen. Mariano Castaneda in Silang, Cavite. (Photo: RON NAVARRO/PCPO)





Sen. Revilla acts to save
dying local film industry

by Lolitz L. Estrellado

Bacoor, Cavite--Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. justifies his proposed bill seeking for the reduction of the amusement tax imposed on the local film industry saying the high amusement tax levied here is one of the major reasons the country’s movie industry is dying a slow death.
Revilla pointed on that local go-vernments slap a 30% amusement tax on motion pictures’ gross receipts which is a heavy toll to the already burdened producers who still have to pay another 12% value added tax.
We said the country im-poses one of the highest amusement tax in the world, even higher than Indonesia, also a third world country which only charges an average of 20%.
Added to this, film produ-cer in said country also re-ceived tax incentives from their government, Revilla said.
The senator from Cavite who himself is part of the local film industry in the country, explained that two thirds of the gross receipts of a locally-produced motion picture go to theater owners and taxes. Only the remaining one-third goes to the producer. From this remaining balance, the producer has yet to take his production and promotional costs. What will be left after the deduction, is the profit.
Revilla vowed to push for a ceiling of 10 percent on the amusement tax presently imposed on the industry with his Senate Bill No. 2158.
He said it will improve the state of the movie industry in the country, which he believes reflects the nation’s persona-lity, shapes how the people think and decides on certain matters.

Task Force Bantay Kalikasan,
Rainbow scores vs illegal fishing


Trece Martires City--The joint elements of Task Force Bantay Kalikasan under the Office of Governor Ayong S. Maliksi and Task Force Rainbow headed by its Chairman Mayor Menong Maligaya conducted a seaborne operation resulting the arrest of a big commercial fishing vessel along the coastal areas of Ternate and Corregidor.
On March 22, around 8 o’clock in the afternoon, elements of TFBK headed by Provincial Chief Victor D. Dihan and TFR headed by Capt. Rizalito Seña joined forces to eliminate illegal fishing in the provincial coastal area of Cavite.
On that date, they apprehended a commercial fishing vessel at the municipal waters of Ternate identified as F/B Lady Vedrgie (Taksay) owned by certain Donato V. Billiones of Cainta, Rizal.
The vessel was piloted by Ronaldo Dulay of Estanscia, Iloilo City with 30 crew members.
Upon apprehension, the crew were brought by the group to TFBK’s base at Ternate for proper documentation and investigation. They were charged with violation of Municipal Ordinance No. 02 S-97 Section 2 of Ternate.

Pagpatay sa kontraktor,
palaisipan pa sa pulisya


ni NIMFA LODRONIO

IMUS, CAVITE--Ang pagkakapaslang nitong nakalipas na ilang araw sa isang kilalang kontraktor sa bayang ito ay nananatili pa ring isang malaking palaisipan sa lokal na pulisya.
Ang biktima, si Edgardo Sapinoso Reyes alyas Eweng, 43 taong gulang, may asawa at residente ng Malagasang I-C sa bayang ito ay binaril hanggang sa mamatay ng isang hindi pa rin natutukoy na salsarin sa harapan ng kan-yang shop na gawaan ng jeepney body sa nasabing barangay.
Si Reyes ay isang kilalang kontraktor ng pamahalaang bayan ng Imus at sinasabing malapit diumano sa mga lokal na opisyales dito.
Siya rin ay isang malapit na kamag-anak umano ni Mayor Homer Saquilayan at nagma-may-ari ng isang gasolinahan sa bayang ito.
Ang biktima ay nakatayo sa harapan ng kanyang shop bandang alas 9:45 ng umaga noong nakaraang Linggo nang lapitan ito ng isang armadong lalaki at pinaputukan sa noo.
Ayon sa ulat, matapos matiyak na patay na ang biktima ay basta na lang naglakad ang suspek papalayo na parang walang nangyari.
Ayon kay P/Chief Supt. Efren B. Castro, ang ilang taong nakasaksi sa pagpaslang ay nag-aalanganing tumestigo dahil sa takot na balikan o gantihan sila ng suspek.
Sinabi rin ni Reyes na hindi nila pababayaan ang kaso hangga’t hindi ito nalulutas.
Sa kasalukuyan ay patuloy silang nagsisiyasat at dalawang anggulo ang tinitingnan na ma-aaring siyang naging motibo ng pagpatay gaya kumpitensya sa negosyo at personal na galit.









HULI KA! Ang mga nakumpiskang ebidensiya sa bahay ng suspek na si Lindi Ambaco matapos na salakayin ito ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Calabarzon, RMG at Dasmarinas PNP sa H-1 Barangay Datu Esmael, Dasmariñas, Cavite. (Lyka Manalo)

Pagpapasara ng dumpsite,
sinusubaybayan ng DENR

by Nimfa Lodronio


SILANG, CAVITE--Mahigpit na sinusubaybayan at minomonitor ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang pag-alinsunod ng lahat ng mga lokal na pamahalaan sa buong bansa sa atas na pagpapasara ng la-hat ng open at controlled dump-sites.
Ayon sa DENR-EMB-Calabarzon, patuloy itong nakikipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs) at nakapag-padala na ang tanggapan ng cease and desist order (CDO) sa lahat ng LGU na nag-ooperate ng dumpsite.
Inihayag ni OIC Armando A. de Castro na sang-ayon sa Republic Act 9003 o mas kilala bilang Ecological Waste Management Act, sa Implementing Rules and Regulation (IRR) nito na, “No open dumps shall be established and operated, nor any practice or disposal of solid waste by any person including LGUs, which constitute the use of open dumps for solid waste, be allowed after the effectivity of this Act: Provided that within three (3) years after the effectivity of this Act, every LGU shall convert its open dumps into controlled dumps, in accordance with the guide-lines set in Section 41”.
Ayon sa DENR-EMB, hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa mga local chief executives ukol sa deadline para sa open at controlled dumpsites, at ang pagtatayo naman ng sanitary landfills bilang kapalit nito.
Sa ngayon, ang naturang ahensya ay nagkakaloob ng technical assistance sa lahat ng LGUs sa paghahanda ng kanilang 10-year ESWM Plan kung ito ay sumusunod sa mga itinakda ng RA 9003, maging sa pagtatayo ng sanitary landfill at implementasyon o operasyon nito pagkatapos.

Kabitenyo, nagbigay-pugay kay Gob. Maliksi

trece martires city--Isang linggong nagdiwang ang lokal na pamahalaan ng Cavite mula Marso 20-24 sa lungsod na ito bilang pagbibigay-pugay sa kaarawan ni Gob. Ayong S. Maliksi.
Ang mga programa na inihanda ay isang paraan ng pasasalamat ng mga Kabitenyo sa matapat at mahusay na paglilingkod ng gobernador sa dalawang termino ng kanyang pa-nunungkulan.
Kabilang sa mga programa ay ang pagkakaroon ng photo exhibit, trade fair exhibit, job fair, technolivelihood caravan, public hearing para sa Environ-ment Code, pagdiriwang ng kaarawan ng pinakaunang presidente ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo sa Tejeros Convention, mini-agri fair, feeding program, libreng bakuna at konsultasyon, inagurasyon ng Cacodec Extension.
Gayundin ang turn-over ng mechanical dryer na ibinigay ng BFAR-region IV, Fish Dispersal Program, lecture para sa organic farming, urban agriculture, bird flu at rabies, healthy lifestyle, disaster preparedness at first aide drill, serbisyong legal at opening ng sportsfest.
“Nais kong pasalamatan ang aking mga kababayan sa kanilang inihandog na mga libreng serbisyo kung saan ang mga kalalawigan natin ang nabiyayaan. Marami ang nakinabang sa inilunsad na mga programa, kabilang na ang maliliit at mahihirap na Caviteño. Masasabi nating malaki ang kabawasan sa kanilang pang-araw-araw na gastusin ang ganitong pagbibigay ng libreng serbisyo kaya’t hinihikayat ko ang ilan pang namumuno na mas pag-igihin pa ang kanilang pagbibigay ng serbisyo publiko para sa kapakanan ng mga Caviteño na naghihikahos sa buhay,” ani Maliksi.
Ayon pa sa gobernador, karapat-dapat lamang na mabigyan din ng minsanang pahinga sa trabaho ang mga kawani sa pamamagitan ng pagdiriwang ng mga palaro at mga paligsahan tulad ng basketball, volleyball at badminton na ilan lamang sa mga palarong ginanap kaugnay ng pagbubukas ng sportsfest ng mga kawani noong Marso 24.
Kaugnay nito, nanalo ang de-partamento ng Agri-Vet bilang Most Active Office; PCLEDO, Best in Uniform; PCLEDO, Best in Sportswear; PHO, Best in Catwalk; GSO, Miss Close Up Smile; at PSWDO, Miss Flawless at Miss Sportsfest 2006.



Vindicted by BSp report
Gilbert to file criminal
complaint vs Garcillano


by Lolitz L. Estrellado

IMUS, CAVITE--Rep. Gilbert Remulla, feel-ing vindicated by the report of the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) confirming the fake passport submitted by former Commi-ssion on Election (COMELEC) Commissioner Virgilio Garcillano, said the other day he would file a more comprehensive criminal complaint against the “phonepal” of President Gloria Macapagal Arroyo.
Remulla stressed he was vindicated by the report from the BSP that found at least six features in Garcillano’s passport no. JJ243816 which do not conform to standard.
The complaint, according to the Cavite solon, will be on the basis of the faked passport Garcillano submitted to the House of Representatives and his testimony before the five committees.
Remulla initially presided over the joint investigation by five committees of the Lower Chamber on the wiretapped Hello Garci tapes but he was replaced after he voted in favor of President Arroyo’s impeachment in September last year.
He said he is also urging the House of Representatives to conduct a separate investiga-tion of the tampering of Garcillano’s passport.
The congressional inquiry should not, however, deter the Department of Foreign Affairs (DFA) and the National Bureau of Investigation (NBI) from carrying out their own probe on the tampering, Remulla further added.
Last Friday, Senator Pan-filo Lacson, Representatived Alan Peter Cayetano, Teofisto Guingona III and COBAC Partylist Represenative Joel Villanueva have filed at the Quezon City Prosecutor’s Office a complaint of perjury, falsification of public document and violation of the Philippine Passport Act of 1996 against Garcillano.


Editoryal:

STL: Legal na jueteng?

Ang Small Town Lottery (STL) ay siyang ipinalit sa jueteng operation sa buong bansa. Ito ay pinatatakbo ng Philippine National Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nasa ilalim na ng direktang kontrol ng Malacañang.
Ang mga operators nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na ngayon ay nagkakagulo na, ay pinagkalooban ng PCSO ng permit to operate at ayon mismo sa isang nabigyan na, mayroon pa itong kasamang cash bond na P10 milyon.
Ang STL ay binobola tatlong beses isang araw (parang jueteng ah!); ang winning number ay kumbinasyon ng dalawang numero (parang jueteng talaga ah!); at sa pagtaya, piso mo manalo ng P800 – kung matutumbok ang kumbinasyon sa tamang pagkakasunod (jueteng nga!).
Sa ngayon ay nagkakagulo na, hindi ang mga mananaya, kundi ang mga operators. Aba’y tila isang LEGAL NA JUETENG ANG STL!
Napakalaki rin talaga ng inaasahang kikitain sa STL. Ang tanong ng marami, saan ito mapupunta? Sino-sino ang makikinabang, bukod sa mga operators?
Siyempre, dahil sa legal ang STL, sa gobyerno. Ibabalik sa bayan sa porma ng pinagbuting serbisyo at mga proyekto.
Napakagandang layunin kung matutupad. Sana lamang, at ito’y isa na ring dasal, tutukan sana ng mga kinauukulan ang bagay na ito; siguruhing sa tama magagamit ang milyon-milyong kikitain sa STL, upang mapakinabangan ng bayan lalo na ng mga mahihirap na siyang bulto ng mga mananaya.
Huwag lamang pasukan ng katiwalian ang STL ay makatutulong nang malaki sa mahihirap, tulad ng jueteng. Sana, ilaan sa malinaw na programa o proyekto ang kikitain dito at huwag ipamudmod kung kani-kanino para lamang manatili sa kapang-yarihan.
BANTAYAN PO NATIN ITO.



Tagalog Brodkast

Ruel Francisco, PIA-Cavite

Cha-cha: Kung di ngayon kelan pa?

Nang dahil sa pagsulong ng people’s initiative, ipinakita ng bawat Pilipino na sila ay may sariling boses at paninindigan na hindi puwedeng yurakan o tapakan ng sino man lider o opisyal ng pamahalaan.
Sa ayaw man o gusto ng marami sa ating mga kababayan, isa nang mahalaga at urgent na pambansang isyu ang pagbabago sa 1987 Constitution.
Dapat lang na ang bawat Pilipino ay tumayo, makialam, makiisa at manindigan upang ipaglaban ang interes ng sambayanan sa isyu ng pagrepaso sa Saligang Batas na nagtatak-da ng kalayaan, karapatan at mga obligasyon ng bawat mamamayan.
Sa nakalipas na ilang araw, nakayayanig ang pagdagsa ng mga mamamayan sa mga barangay assemblies kung saan ipinaliwanag sa kanila ang kahalagahan ng pagbabago sa ating Konstitusyon para mabago ang porma ng ating gobyerno at nang mapalitan ang mga lumang sis-tema na nakakapigil sa pag-unlad ng ating economiya at sa pagbuti ng ating sistemang pulitikal.
Datapwa’t nakikita natin, na ang tanging ayaw sa pagbabago ay yaong may mga pinangangalagaang interes tulad ng mga Senador na kapit-tuko ang pagkakahawak sa kanilang posisyon.
Masyado namang nakakaawa ang mga taong tila suko na at ayaw nang sumubok ng mga hakbang na posibleng makatulong para maisakatuparan ang matagal nang inaasam na pagbabago tungo sa kaunlaran ng ating bansa.
Hindi naman yata tama na sabihin ng mga oposisyon na ginagamit lamang na pananggalang ang isyung ito ng Presidente Arroyo. Bakit hindi nila bigyan ng pagkakataong mapatunayan na mali ang kanilang mga hinala at haka-haka?
Totoong napapanahon na upang ang bawat Pilipino ay manindigan sa isyu ng Charter Change. Ang pinag-uusapan sa ngayon ay hindi na ang mga ta-nong na legal hinggil sa paraan ng pagbabago ng saligang batas. Mas dapat bigyang diin ang paninindigan ng nakararami nating kababayan.
Kung ano man ang kahihinatnan ng isyung ito, ang mahalaga ay ang aktibong partisipasyon ng bawat Pilipino para agad na maisaayos ang ano mang kakulangan or depekto sa ating Saligang Batas.
-------ooOoo-------
Sa pagtatapos ng tinatayang may 400,000 na bagong graduates ngayong taon, normal na tataas na naman ang porsiyento ng unemployment dito sa bansa.
Bagamat may kalakihan ang problema ay di nagpapabaya ang pamahalaan ukol dito. Binuo ang job generation program na pinangangasiwaan ni dating Agriculture Sec. Arthur Yap. Nandiyan din ang programa para sa pagpapaunlad ng kanayunan.
Iba’t-ibang indikasyon o dahi-lan ang unemployment. Isa rito ang pagtutugma ng tinapos at skills ng mga estudyante sa bakanteng mga posisyon. Liban dito, marami din sa ating mga kababayan ang namimili ng mga mapapasukang trabaho. Gusto kasi agad nila ay mataas na posisyon at suweldo. Ito ang dahilan kung bakit mas ninanais pa ng mga pinoy ang mangibang bansa na lamang o maging OFW.
Sa panahon ngayon, walang pinipiling trabaho basta’t maayos at marangal ito. Gawin na lang na-ting stepping stone tungo sa ika-gaganda ng ating kabuhayan. Wag nating iasa at ipasa sa pamahalaan ang sisi dahil tayo ang gagalaw para sa ikauunlad ng ating mga sariling buhay.



Nutcracker

Lolitz Estrellado

Huwag Magpatalo

Pinatay na ang Charter Change (Cha-cha) sa Mababang Kapulungan nang pumirma ang 50 kongresista noong isang araw laban dito.
Subalit ayon sa mga tagapagsulong nito, 800,000 na lamang umano ang kulang na pir-ma para matuloy ang CHACHA sa pamamagitan ng People’s Initiative.
May mga constitutional ex-perts naman na nagsasabing labag daw sa batas ang People’s Initiative.
SO, PAANO NGA?
Dapat ba talagang baguhin na ang Saligang Batas? At dapat ba itong madaliin upang ma-sunod lamang ang kagustuhan ng ilang pulitikong naghaha-ngad manatili sa poder?
——ooOoo——
Totoong marami sa atin ngayon ang dumaranas ng na-pakaraming problema–kawalan, kakulangan, salat sa pera, gutom, walang hanapbuhay. Halos mabuwal na tayo sa tindi ng mga problema.
Pero dapat ba tayong magpatalo? HINDI!!! Problema lang ‘yan noh? Tayo, pag-iisip at kakampi natin ang Diyos. Naniniwala ba kayo? Dapat lamang, sapagkat kapag nawala pa sa atin ang pananampalataya sa kanya, ito na ang katapusan ng lahat.
——oo0oo——
Learn from our mistakes. Gusto ba nating magkaroon ng Marcos Dictatorship Part II na ang starring role naman si PGMA?
Huwag magpatalo,
Huwag magpaloko,
Huwag umasa sa gobyerno upang umunlad,
Magsikap tayo at magpakatatag.
Kung nagpapasasa man sa katiwalaan, pagsisinungaling at pag-abuso ang ating mga lider ng bansa, may magpaparusa sa kanila pagdating ng takdang panahon. Pananagutan nila ang lahat ng kanilang kasalanan sa bayan.
——ooOoo——
Barangay is the basic unit of governance in the country. It serves as the venue for deve-lopment planning and dispute resolution on the community level.
Last Saturday (of March), the Barangay Assembly Day was observed nationwide.
It provides an avenue for the people to raise their problems and concerns to their barangay officials and to air suggestions in improving the delivery of basic services.
Suppose to be, the baran-gays are non-political. Pero por dos porsiyento, ngayon ay mas matindi pa ang pulitikahan sa ba-rangay kaysa ibang local govern-ment units.
Kung matutuloy ang eleksyon para sa mga barangay sa susunod na taon, masasaksihang muli ang tindi ng pamumulitika sa lebel na ito.
——ooOoo——
Ano’ng magagawa ng media sa Executive Order ni GMA, ang Executive Order No. 511 na nagtatakda ng sentralisasyon ng advertising at PR budget ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang PCSO at PAGCOR na nag-aadvertise sa lahat ng pahayagan, radio at TV networks? Sa tanggapin natin ito o hindi, WALA tayong magagawa rito. Karapatan ng Pangulo ito, pangalagaan ang pasilidad sa komunikasyon ng pamahalaan, “for the sake of economy and efficiency.”
Di ba ang Malacañang ay na-niniwala na may ilang media outlets at journalists na kasangkot sa destabilization moves? Katwiran marahil ni GMA, bakit kailangang tulungan ang mga destabilizers na ito “through advertsising”?
Kuha ninyo?
——ooOoo——
Everybody needs CASH. Huwag kayong tatanggi? Don’t be a hypocrite. Kasi, life is more meaningful if we have plenty of CASH.
Pero ang CASH na sinasabi ni Nutcracker ay ito:
CHRIST, ASSURANCE OF SALVATION AND HOLINESS. Hindi po pera, handi datung, hindi atik dahil talaga namang lahat tayo ay nagpapakahirap para mapunan ang kakulangan sa CASH MONEY. It makes the world go round.
Pero ang CASH as Christ ay siyang dapat na higit nating pag-pursigahan. Mas mahalaga Siya kaysa pera.
Kapag nasa gitna ng ating pa-mumuhay si Kristo, kasunod niyang bubukal sa atin ang mga biyaya ng Diyos Ama.
KALISPERA THEPINES.



Anong say mo pare ko?

Alfredo “Lolo Beloy” Dador

Ang buhay nga naman

Ang tao noong unang panahon ay sadyang malapit sa isa’t-isa lalo na ang mga miyembro ng pamilya. Sabay-sabay silang nagdarasal at nagrorosaryo tuwing gabi. Ang mga kaba-taan ay humahalik sa kamay ng kanilang ina, ama, lolo at lola bago umalis at dumating ng bahay. Ang mga babae ay iginagalang ng mga kalalakihan, hindi umaalis ng bahay ang isang da-laga na walang kasama, ang kagandahang asal, kahinhinan, kapinuhan, masunurin sa magulang at relihiyosa.
Ang ina ang siyang nagsisilbing unang guro ng bata. Mahaba ang saya ng mga kababaihan na sayad hanggang paa. Sa paglalakad ng mag-anak dapat nauuna ang ina at itinuturing na isang kabastusan kapag nauu-nang maglakad ang lalaki.
Ang mga kadalagahan na nag-aaral sa kolehiyong pinamamahalaan ng madre ay tinuturuan ng magandang asal, magluto, manahi, magburda at mag-aral ng musika. Ang mga kabinataan naman kung walang pasok sa eskwela ay isinama ng kanilang ama sa bukid at katulong itong mag-araro, magtanim at umani ng palay. Kung may pagdiriwang at kasiyahan, ang popular na sayaw ay ang jota, fandango, surtido at cariñosa at ang awitin naman ay ang Sampaguita na sinulat ni Dolores Paterno at Bella Pilipina ni T. Massaguer na hanggang sa ka-salukuyan ay mapapakinggan natin sa programa ni Tiya Dely sa DZRH.
Tuwing sumasapit ang buwan ng tag-init mula Marso hanggang Mayo ay may nagpipiknik sa tabing ilog, baybay dagat, naglalakbay sa Antipolo, Pakil, Obando, Balara, Bustos Bulacan, La Mesa Dam at kung saan saan at iba pang lugar na kahalina-halinang mga tanawin.
Sa buwan ng kwaresma o Mahal na Araw, malungkot ang bawat isa dahil sa kamatayan ni Hesukristo. Tuwing Nobyem-bre 1 naman ay nagtutungo sila sa sementeryo at nagtitirik ng kandila at nagdarasal para sa kaluluwa ng kanilang mahal sa buhay. Sa araw ng pistang bayan, baryo at nayon, ipinaghahanda nila ito ng buong kasiya-han at tulong-tulong silang ginagayakan ang simbahan at patron. Ang mga kabinataan naman ay tulong-tulong sa paglalagay ng palawit at palamuti sa kalye at pagdating ng hapon ay ipinagprusisyon nila ang mahal na patron o birhen hang-gang sumapit ang gabi.
Sa mga bahay ay mag-hapon ang handaan at sa gabi ay nanonood sila ng komedya. Ganito sila noon tahimik, maligaya at walang agam-agam at masagana sila sa lahat ng bagay at pamumuhay. Iginagalang nila ang batas at may katungkulan sa gobyerno. Ang constabulary (pulis) ay magagalang at pinagkakatiwalaan ng taong bayan.
Ngayon ay iba, kabaliktaran ang lahat at wala nang paggalang sa isa’t-isa. Maging sa loob ng bahay o sa isang pamilya ay bihira na ang nagdarasal at nagmamano sa kanilang magulang at sa matatanda. Ang mga bata ay parang matanda na rin kung sumagot at makipag-usap. Ang mga kadalagahan naman kung manamit ay labas ang puson at maikli ang damit, karamihan ay gayak lalaki ang kasuotan at gupit lalaki.
Mabilis na napalitan ng makabagong sistema ng ating pamumuhay. Mga babaeng nagbebenta ng aliw, ang mga lalaki naman ay sa pinagbabawal na gamot. Ang mga negosyante ay nagsasamantala sa kahinaan ng mamamayan. Sa gobyerno ay lantad ang katiwalian at pangungurakot sa kaban ng bayan.
Sa kapulisan ay may sangkot na rin sa katiwalian, holdapan, karnapan at sindikato. Wala na rin sa kanila ang paggalang sa mamamayan kaya ang mamamayan ay wala na ring ng tiwala sa kapulisan. Kung saan patungo ang ating ginagalawang komunidad ay walang makapag-sasabi kung bakit naging ganito ang takbo ng ating pamumuhay. Sino ba ang dapat si-sihin? Dahil ba sa kahirapan at walang hanapbuhay? Ang pamahalan kaya na walang ginawa kung di ng pangsariling kapakanan at pagnanasa sa kaban ng bayan o mama-mayan na di nakikiisa sa pamahalaan? Ang buhay nga naman...



Sumakay ka pa

Sheryl Mallari-Asprec

Alternatibong Enerhiya

Bukod sa krisis pampulitika na kinakaharap ng ating bansa, makabubuti ding tingnan natin ang isa pang krisis na patuloy na nagbabanta sa ekonomiya ng Pilipinas. Ito ang krisis sa enerhiya, partikular ang presyo ng krudo na bagaman bumababa ng mga nakaraang araw, wala pa ding makapagsasabi kung gaano na nga ba ka-stabilized ito.
Pangunahing pinagkukunan ng Pilipinas ang mga Middle-East countries na siya din namang pinakamalaking eksporter ng krudo sa pandaigdigang merkado. Noong 2004, bigla na lamang itong nagtaas ng halaga kung kaya direktang naapektuhan ang ating ekonomiya. Ito ‘yung panahon kung kailan halos lingo-linggo ay nagtataas ng presyo ng gasolina. Pati mga oil-based products katulad ng LPG at kuryente ay direktang naapektuhan. Angal na ang mga mamamayan. Sa kabila kasi ng Oil Price Destabilization Fund (OPSF), tila walang nagagawa ang gobyerno ukol dito.
Hindi din natin lubusang masisisi ang pamahalaan sa pagtaas ng gasoline products. Panahon pa ni dating Pangulong Fidel Ramos nang i-privatize ang mga ito. At dahil hindi na kontrol ng estado ang kalakhan ng oil distributors, tila naging oligarchy ang mga ito. Ganoon pa man, tanggap ang kasalukuyang kalagayan, ang presyo sa world market ay malaki pa din ang idinidikta sa halaga ng krudo dito sa ating bansa.
Pero ang bawat suliranin ay may solusyon, kung hindi man isang mabisang alternatibo. Noong nakaraang buwan, inihain ni Rep. Miguel Zubiri ng Bukidnon sa Mababang Kapu-lungan ang isang batas na magbibigay daan sa pagpo-produce ng bioethanol o coco-diesel. Isa itong alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Gawa sa tubo, niyog at kamoteng-kahoy, madaming mapagkukunan nito sa ating bayan.
Bukod dito, napakadami pang mga benepisyo ang maiaambag nito hindi lamang sa ekonomiya kundi pati na din sa kapaligiran.
Sa mga pag-aaral na ginawa ng mga siyentipiko, mas malinis ang inilalabas na exhaust ng sasakyan na gumagamit nito. Malaki itong maitutulong nito sa kampanya natin laban sa air pollution at global warming.
Magbibigay din ito ng trabaho sa milyon nating mga kababayang magsasaka.
Sa kasalukuyan, mahigit-kumulang $60/barrel ang halaga ng crude oil kumpara sa $46.20 bioethanol. Tinatayang P1.2 bilyon ang matitipid kapag ginamit ang coco-diesel at P7 bilyon naman para 5% ethanol blend. Maaari na itong ipagpapagawa ng mga ospital, paaralan at mga kalsada.
Hindi na kailangang hintayin ng pamahalaan ang isa pang oil crisis bago ito gumawa ng mga hakbangin hinggil dito. Nariyan na ang teknolohiya at mayaman tayo sa “raw materials” upang magtuloy-tuloy ang produksyon ng ethanol. Para sa ‘future national survival’ ng bansa, kailangan nating gamitin ang bawat pupuwedeng paraan upang harapin ang anumang suliranin. Ang krisis sa enerhiya ay hindi birong bagay. Kung tutuusin, dapat natuto na tayo sa ating naging mga karanasan. Ngayon na ang panahon upang linangin ang bioethanol.




Pagbati sa Kaarawan

Kon. Tino Villanueva

Ang araw ng pagsilang, sang AYONG sa kasaysayan,
Isang araw na mapalad, dapat na pahalagahan,
Mga UHA – ang pag-iyak, nuong ikaw ay isilang,
Naghahanap ng kalinga, at alaga ng magulang.

Pinalaking matipuno, pinalaking mapagmahal,
Binuksan ang iyong puso, isipan sa kabanaalan,
Palibhasa ay lumaking, makadiyos, makabayan,
Napamahal ka ng lubos, sa maraming kababayan.

At ang hatol ng panahon, sa iyo ay iginawad,
Naging AMA ng lalawigan, mamamayan ang naghangad,
Mga iyak nuong paslit, kalinga ang hinahanap,
Ikaw ngayon ang takbuhan, mamamayang, nagsasalat.

Palibhasa’y bukas puso, matulungan, mapagmahal,
Ang lahat ng lumalapit, maging tulong o financial,
Pagawain, mga project, maging sa nayon at bayan,
Ay hindi nabibigo, nauwing may kasiyahan.

At ngayon ay kaarawan nyo, wala kaming maialay
Kundi isang panalangin, kasihan kayo ng Maykapal,
Kayo sana’y makarating, sa tugatog ng tagumpay,
Manatiling Gobernador, sa lalawiga’y napamahal.

Kalakip din ang dalangin, kayo sana’y patnubayan,At sapitan pang muli, ng maraming kaarawan!





Philhealth Kapamilya

Eden Jane C. Dimaano

Ammendment Form (M2)

Sa ilalim ng National Health Insurance Program, kinakailangang tama at sapat ang bawat impormasyon ukol sa miyembro at kwalipikadong makikinabang. Sadyang inilaan ng PhilHealth ang Amendment form upang maipabago ang mga impormasyong sa kanilang record na hindi na tama at angkop. Ito ang paraan upang hindi mag-karoon ng anumang suliranin ang sino mang gagamit ng kanilang benepisyo.
Ang mga sumusunod ang maaring maging dahilan upang ang isang miyembro ay gumamit at magsumite sa PhilHealth ng Amendment form (M2) kasama ang mga dokumentong kinakailangan sa pagpapabago ng naturang impormasyon:
a. Pagpapabago/Pagtatama sa pangalan–affidavit o birth certificate with registry number
b. Pagpapabago ng araw ng kapanganakan-birth certificate with registry number
c. Pagpapabago ng Civil Status-marriage contract/ death certificate with registry number
d. Pagpapabago o pagdadagdag ng kwalipikadong makikinabang - birth certificate/ marriage contract/ affidavit of two disinterested person
e. Pagpapabago ng address-tama at kumpletong sinagutang Amendment form (M2).
Ang Amendment form ay maaaring makuha sa alinmang opisina ng PhilHealth, matapos masagutan ang mga kinakailangang ipabagong impormasyon. Patuloy ang PhilHealth sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo at pangkaseguruhang pangkalusugan sa lahat.


Bukang Liwayway

Dr. Ligaya “Guy” Guevarra

The Journey

Children go to school passing through rough road. Most students are happy marching forward to arrive victorious at the finish line. They become ready to start anew, but there is no assurance of schooling continuity. The proof that threshold economy dwindles is tough experiences in making both ends meet. Rising prices of basic commodities seems uncontrollable and value of family income deteriorates. These invite children to become productive patching the economic disparity.
Learning obstacles move faster than the earning power. Some stop schooling due to economic reason. Some move on chasing better opportunities over-seas where fortunate groups succeed but others suffer and the less fortunate ones lost lives. When our love ones lost lives seeking good chances for the family is painful and at times almost unbearable.
Members of both economic and academic community who got married unprepared experience miserable life — less food to eat, less access to health services and medicines, less access to education, serious shelter problems and last but not the least, clothing needs could be hardly obtained. Thou-sand of families everywhere become victims of natural calamities as a result of landslides, flood, typhoon, tornado, earth-quakes, tsunami and fire.
Many wonder how each and everyone could attain sustainable and honorable existence in the midst of economic deficiencies and natural calamities. My fellowmen, “Remember the Lord in everything you do and he will show you the right way.”--Proverbs 3:6.

2 opisyal ng Napolcom, sabit
sa pambubugbog ng kadete


ni Lyka Manalo

SILANG, CAVITE--Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang umano’y pambubugbog na ginawa ng dalawang opisyal ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa mga kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Camp General Mariano Castañeda sa bayang ito.
Ayon sa nakarating na report sa tanggapan ni Calabarzon Regional Director P/Chief Supt. Prospero Noble Jr., nakilala ang mga inirereklamo na sina Senior Inspector Maharlika Villasis at Senior Inspector Ellaine Villasis na nakadetail sa tanggapan ng NAPOLCOM sa Gil Puyat Avenue, Makati City.
Ayon kay Col. Mario Marasigan, hepe ng Silang Police, inireklamo ng biktimang si Exsur Retalado, 23 anyos, 2nd class cadet ng PNPA ang dalawang opisyal matapos umano silang pahirapan ng mga ito pati na ang 5 pang kaklase.
Nabatid na bandang 8:30 ng gabi habang naghahapunan ang mga biktima nang pumasok sa kanilang barracks ang dalawang opisyal at nang makita si Retalado ay kaagad silang inutusang mag-“bridge” at habang sinusunod ang utos ay pinaghahampas umano ang mga ito ng scabbard sa iba’t ibang parte ng katawan.
Kumuha pa umano ng baseball bat ang opisyal at ipinalo sa talampakan ng biktima na kaagad dinala sa PNP Medical Hospital pati na ang kanyang mga kaklase.
Sinabi pa ni Marasigan na si Retalado lamang ang magde-demenda ng slight physical injuries laban sa mga naturang opisyal.


Prov’l Board sets measures to curb illegal fishing

by Lolitz L. Estrellado


TRECE MARTIRES CITY--The Cavite Provincial Board headed by its presiding officer Vice Gov. Jonvic Remulla is set to pass stricter measures aimed at curbing illegal fishing in the province, particularly the use of dynamites and other explosives.
In an exclusive interview with Remulla on Monday, he had expressed alarm over the rampant use of dynamites and other explosives in fishing within the waters of Cavite Province.
“It is high time that we review the local environmental laws and plug loopholes, if there’s any. The damage to fish sanctuaries due to dynamite fishing is very alarming. We might wake up one to find out there are no more fish to catch,” the vice governor said.
Remulla pointed out that the provincial board is now looking into complaints that aside from dynamite fishing, some fishermen, big or small, are employing methods which are banned or are prohibited by the law.
The move to review environmental ordinances came in the wake of seizure last month of a truckload of ammonium nitrate, a substance used in ma-king dynamite, and a few sacks of blasting caps. Elements of the Philippine National Police (PNP) Maritime Command and the Rainbow, an environmental group, intercepted the truck in Tanza.
According to Remulla, the owner of the truck claimed that the chemicals came from Batangas and would be used for mining operations in Cavite.
The vice governor said he believes these ammonium nitrate would be used in fishing, and it is very obvious because there is no mining site in Cavite.
He also mentioned that his brother, Cavite 3rd District Congressman Crispin Remulla, has likewise filed a bill amending some provisions of the Fisheries Code.









President Gloria Macapagal-Arroyo delivers her keynote speech during the 2006 Philippines Development Forum (PDF) at Taal Vista Lodge in Tagaytay City Thursday (March 30). The Chief Executive called on the investors in the forum to begin pouring their investments now in Mindanao "so that the final mile to lasting peace" in the region is made more smoothly. Also in photo are (from left) National Economic and Development Authority Secretary-General Romulo Neri, World Bank Representative Joachin Von Amberg and Finance Secretary Margarito Teves. (Oliver F. Marquez, OPS-NIB Photo)



PGMA to investors: Provide
your aid for Mindanao now

TAGAYTAY CITY--President Gloria Macapagal-Arroyo appealed to investors who plan to put up businesses in Mindanao to begin pouring their investments now so that the “final mile to lasting peace in Mindanao is made more smoothly.”
Keynoting the 2006 Philippines Development Forum (PDF) at the Taal Vista Lodge here, the President likened her vision of peace in Mindanao to a journey already at its last mile “when the destination is in sight but the winds of resistance are blowing most fiercely.”
“Therefore, to help us through this last mile more smoothly, I want to make a personal appeal to all of you who plan to provide aid to Mindanao as peace dawns: Please consider providing your aid now even as we await the final signing of a final peace accord as several nations have already done under the Mindanao Trust Fund of the World Bank,” she said.
The President pointed out that this “proactive gesture of generosity and confidence will put more air in our sails at a pivotal moment in our journey as we strive to reach the safe harbor of peace in Mindanao.”
She stressed that with the help of the proponents of PDF, peace in Mindanao before the year ends is achievable.
The PDF is the primary mechanism of the Government for facilitating substantive policy dialogue among stakeholders on the country’s development agenda.
It also serves as a process for developing consensus and generating commitments among different stakeholders toward critical actionable items of the Government’s reform agenda.
The PDF evolved from the Consultative Group Meetings, held every 18 months or so among the Government and members of the international development partners community, which together comprise the Philippine Consultative Group (CG). The CG is co-chaired by the Philippine Government, represented by the Secretary of the Department of Finance, and the World Bank.

Bagong polisiya sa
TB DOTS facilities,
ipinalabas ng Philhealth


Nagpalabas kamakailan ng circular ang PhilHealth na nagbibigay alam sa mga miyembro at iba pang ka-partner ng Phil-Health sa bagong polisiya ukol sa akreditasyon ng TB DOTS facilities.
Sa patuloy na pagsuporta ng PhilHealth sa National Tuberculosis Program (NTP) ay patuloy din na nadaragdagan ang TB DOTS Centers na accredited ng PhilHealth kung kaya’t nagpapalabas ang PhilHealth ng mga polisiya ukol dito para sa maayos na pagpapatupad ng akreditasyon ng nasabing pasilidad.
Ayon sa PhilHealth Circular 08, serye ng 2006, na siyang nag-amyenda sa PhilHealth Circular 17, serye ng 2003, ang ser-tipikasyon mula sa Philippine Coalition Against Tuberculosis (PhilCAT) ay katumbas na rin ng sertipikasyon mula sa National Coordinating Committee-Public Private Mix DOTS (NCC-PPMD) sapagkat ang PhilCAT ay co-chair ng NCC-PPMD.
Kaugnay nito, maaaring bigyan ng akreditasyon ang TB DOTS facilities kahit wala itong certification mula sa NCC-PPMD matapos maisagawa ang survey subalit dapat magpasa nito sa pagre-renew ng akreditasyon.
Gayundin, kung walang Medical Technologist kailangan ang isang NTP-trained microscopist sa DOTS facility o referral laboratory para sa sputum smear examination.
Hindi na rin kailangan sa akreditasyon na magkaroon ng Memorandum of Agreement sa isang X-ray facility para sa radiological procedures subalit kailangan pa rin na i-refer ng DOTS centers ang mga pasyente na nangangailangan nito.
Para naman sa mga government-owned TB DOTS centers, hindi na kasali ang Mayor’s Permit sa mga requirement sa akreditasyon.
Napapaloob din sa nasabing circular na upang mapanatili ang operasyon ng DOTS Clinics, ang Local Government Units (LGUs) ay kailangan sumunod sa PPMD-recommended allocation ng PhilHealth payments.








MEDICAL PRIVILEDGE FOR DASMA COPS. P/Supt. Mario A. Reyes, Dasmariñas Chief of Police, signs the memorandum of Agreement (MOA) with Reidy Santos, Gen. Manager of A.L. Santos Medical Clinic. Under the MOA, the clinic will grant a 15% discount on medical services to local policemen and their dependents. The MOA, which is valid for 5 years, provides special discount on consultation, x-ray, and laboratory tests. Also in photo are SPO3 Remy Dadiz and Dasmariñas PNP Clerk Menchie Barredo.


CAVITE POLICE BEAT

Nakinood ng TV sa kapitbahay: Mister, binoga
GENERAL TRIAS--Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang mister matapos itong barilin ng di nakilalang salarin habang nakikinood ng telebisyon sa kanyang kapit-bahay sa Brgy. San Francisco dito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya rito ang biktimang si Arnel Aliarta, 28, at residente ng Tropical Village Pabahay 2000 ng nasabing barangay.
Batay sa imbestigasyon, ganap na alas-8 ng gabi habang nakikinood ang biktima sa kanyang kapitbahay nang bigla na lamang may bumaril dito at tinamaan sa ulo.
Nagawa pang maitakbo sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival.
Habang sinusulat ang balitang ito ay blangko pa rin ang pulisya sa motibo sa naturang krimen. (Manny Aguila)
-------ooOoo-------
Drug bust sa Dasma: 150 gramo ng shabu, kumpiskado
Dasmariñas--Tinatayang aabot sa humigit-kumulang 150 gramo ng shabu ang nakumpiska sa mga hinihinalang tulak sa isinagawang drug bust operation ng Dasmarinas PNP SOG at PDEA sa Brgy. Datu Esmael sa bayang ito kamakailan.
Kinilala ni P/Supt. Mario A. Reyes ang mga nadakip na suspek na sina Lindi Ambaco at Nohrisa Abdullah alyas Nisa, kapwa residente ng nasabing lugar; Maryjane Lloret 23; JonJon Lloret, 35; at Julieta Nuñez, 25, ng Brgy. Bulihan, Silang, Cavite.
Batay sa report, ganap na alas-8:30 ng umaga nang magsagawa ang mga otoridad ng operation sa bahay nina Ambaco at Abdullah sa bisa ng search warrant na ibinaba ni Judge Norberto Quisimbing ng RTC Imus Branch 21.
Bukod sa 150 gramo ng shabu at drug paraphernalia ay nakumpiskahan din sa mga suspek ang isang cal. 22 revolver at dalawang blue book na naglalaman ng mga kontak ng mga mga umiiskor at binibilhan ng mga ito ng droga.
Sa isinagawang follow up operation ay naaresto ang 3 pa na pawang mga “scorer” sa nasabing lugar.
Ayon pa sa ulat, sa pagtatangkang maitago ang biniling shabu ay pinilit na isiniksik ni Maryjane ang droga sa kanyang puwerta subalit nakita rin ito.
Sinabi ni P/Supt. Reyes na aabot sa halagang mahigit sa kalahating milyon ang mga nakuhang shabu sa mga suspek. (Roy Tomandao)
-------ooOoo-------
Money changer, hinoldap; driver, sugatan
BACOOR--Iniwang nakapiring ang mga mata at nakagapos ang mga kamay ng isang negosyante habang sugatan ang driver nito matapos holdin sila ng 3 hindi nakilalang suspek sa Brgy. Mabalo sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya rito ang biktimang si Jose Yambao, 58, may-ari ng JMY Money Changer and Pawnshop at residente ng Brgy. Anos, Los Baños, Laguna.
Tinamaan naman ng bala sa mukha ang driver na si Eduardo Noel Malaybay, 43, ng Holiday Village, Brgy. Bayan Luma, Imus, Cavite.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Dante Ordonio, ban-dang 3:45 ng hapon habang binabagtas ng mga biktima ang naturang lugar sakay ng Nissan Sentra nang harangan sila ng mga suspek sakay ng kulay brown na Cyclone Lancer na walang plaka.
Kaagad tinutukan ng baril ang mga biktima subalit tinangkang paandarin ni Malaybay ang sasakyan kaya binaril ito sa mukha.
Matapos makuha ang mahigit P300,000, mga alahas at cellphone ay piniringan at iginapos ang mga biktima at mabilis na tumakas. (Lyka Manalo)


Bata nahulog sa ilog na puno ng basura patay

Ni Roy Tomandao

Dasmariñas, Cavite--Isang 12-anyos na estudyante ang namatay makaraang na ma-hulog sa ilog na puno ng basura sa Brgy. San Miguel 1 sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Widget Santos ng nasabing lugar.
Batay sa ulat ni SPO2 Lorenzo Balbuena, may hawak ng kaso, ganap na alas-4 ng hapon ay naglalakad ang biktima sa gilid ng ilog nang aksidente itong madulas at tuluy-tuloy na gumulong pababa.
Dahil sa dami ng basurang nakalutang dito ay nahirapang lumangoy ang biktima at tuluyang nalunod. Agad nagsagawa ng retrieval operation ang ilang barangay opisyal at residente at makalipas ang mahigit sa 6 na oras ay saka pa lamang nakita ang bangkay ng biktima.


30 pwesto sa palengke, nasunog;
P2-M halaga ng paninda, naabo


ni Roy Tomandao

Dasmariñas, CAVITE--Tinatayang aabot sa halagang 2 milyong piso ng mga ari-arian ang natupok sa naganap na sunog sa palengkeng sakop ng Brgy. Zone 4 sa bayang ito kamakailan ng madaling araw.
Sa paunang report na nakalap mula kay P/Supt. Mario A. Reyes, hepe ng pulisya rito, ganap na alas 12:35 ng madaling araw ng maganap ang nasabing sunog kung saan natupok nito ang may 30 mercantile stalls na naglalaman ng mga paninda.
Nagsimula umano ang apoy sa unang stall ng nasabing palengke at tuluyang kumalat sa mga katabing stalls.
Dahil madaling araw naganap ang sunog kung kaya hindi agad ito napansin at tuluyang kumalat at nilamon ang halos lahat ng mga paninda dito.
Labing dalawang bumbero ang nagtulong-tulong upang maapula ang nasabing apoy na tumagal ng may mahigit sa isang oras. Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa nasabing sunog.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon upang malaman kung ano ang pinag-mulan ng nasabing sunog.



TFBK chief sa mga illegal
fisher: ‘Tumigil na kayo!’


Trece Martires City--“Tumigil na kayo!” Ito ang mariin pahayag ni Victor D. Dihan, hepe ng Task Force Bantay Kalikasan, makaraang mada-kip nila ang dalawang bangka na nagsasagawa ng dynamite fishing sa baybaying dagat ng Tanza, Cavite.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan nina Dihan, Maj. Hector Samar, hepe ng Cavite PNP Maritime, Base Commander Owen Marcial Reyes, Deputy Base Commander Wilfredo Pegollo, TFBK operatives Roderick Edralin at Rodel Climacosa, Jolly Nenesen, Edwin Vargas at Armando Abero, at SPO4 Pablo Maranan at SPO1 Diosa.
Dakong alas-10 ng gabi noong Marso 17 ay nagsagawa ng monitoring ang TFBK at Cavite PNP Maritime at makalipas ng ilang oras ay nakita nila sa aktong naghahagis ng dinamita ang mga mangingisdang sakay ng bangkang “Super Michael”.
Kaagad nila itong hinuli at nang pabalik na para imbestigahan ang nasabing bangka ay nakita nila ang “F/B Jessa” na punong-puno ng isda.
Nang kanilang lalapitan para inspeksyunin ay bigla itong tumakbong palayo kaya hinabol ng grupo at dinala sa tabi. Lahat ng nahuli ay dinala sa barangay hall ng Julugan 4 at sa harap ni Kapitan Lito Blancaflor at mga kagawad ay ipina-blotter ang mga nahuli at saka dinala sa opisina ng PNP Maritime.
Napag-alamang ang Super Michael ay pag-aari ni Totoy Ricasa ng Brgy. Ligtong, Rosario, Cavite habang ang F/B Jessa ay pag-aari naman ni Rosalie P. Olenar ng Brgy. Julugan 8.
Ang mga nahuli ay dinala sa Imus RTC para sa kasuhan ng paglabag sa Batas Pangisdaan 1998, R. A. 8550, Sec. 88.
Sinabi ni Dihan na hindi titigil ang TFBK at ang Cavite PNP Maritime sa pagsugpo sa mga illegal na mangingisda dahil si Gob. Ayong S. Maliksi aniya ay sinsero sa kampanya laban sa mga taong sumisira sa karagatan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home