Thursday, March 02, 2006

Tapik at Paltik

Peter Torres
Ang tunay na kailangan ng mamamayan

Pabahay, livelihood at hanapbuhay ang mga dapat mabigyang prayoridad ng pamahalaan upang maihandog sa taumbayan ang pagkandili at maisulong ang pagbaka sa kahirapan.
Hangga’t marami ang naghihirap sa kakulangan ng mapagkakakitaan, tila kabalintunaan na sabihin nating naangat ang ating ekonomiya at kabuhayan.
-------ooOoo-------
Sabi nga ng ilang mayor, nakakalungkot na may mga lugar sa kanilang nasasakupan na hindi na halos nakakakain ng regular at ito ang dahilan kung bakit tinitingnan nila ang posibilidad na makapagkaloob ng tulong puhunan at iba pang livelihood projects upang maalalayan ang kanilang mga kababayan.
Sa pamamagitan naman ng pondo mula sa Alay Lakad nakakapag handog sila ng mga pagsasanay teknikal at bokasyonal sa mga kabataan at mamamayang ibig magkaroon ng kaalaman sa food processing/preservation.
-------ooOoo-------
Dito sa Batangas, salamat kay Gob. Arman C. Sanchez sa pagsusulong ng proyektong pabahay partikular na sa 5 ektaryang site sa lunsod ng Batangas.
Sana, sa pamamagitan ng Provincial Planning and Development Office at ng Provincial Engineer’s Office ay maisagawa kaagad ang clearing, konstruksiyon ng mga bakod at kalsada gayon din ang instalasyon ng iba’t ibang pasilidad para mas maagap na masimulan ang pagtatayo ng mga bahay.
Sa panahong ito, marami pa ang empleyado ng kapitolyo ang walang sariling bahay kahit matagal na silang naglilingkod sa gobyerno. Ang iba pa nga ay naapektuhan ng demolisyon sa pag-aari ng gobyerno.
Sana naman ay mapagaan pa ang mga kundisyones at halaga ng amortisasyon para di gaanong mahirapan sa paghuhulog nang matupad na ang pangarap na tahanan.
-------ooOoo-------
Sa Alay Lakad Foundation at sa tanggapan ng Panlalawigan ng Kagalingang Pangmadla at Pagpapa-unlad, sana ay mailaan ninyo sa dapat pagkagastusan ang koleksyon para mas maramiang makinabang.
Gob, balita po na mapera ang kabang lalawigan, sana naman po ay mabahaginan natin ang para sa livelihood program. Napakarami ang nangangailangan ng tulong ng pamahalaan kaya’t sana po ay mabahanggan sila ng atensiyon.
Ano po kaya nag nangyari na sa economic zone sa gawi ng Ilijan at Pinamucan? Sa J.G. Summit Corporation? Ang alam po namin, ay pinagkalooban pa ito ng city government ng tax holiday? Nakapag-generate na ba ito ng hanapbuhay?
Sana ma-check ito ng local government uni kung fully operational na o baka naman sa halip na mga Batangueño ang makinabang sa trabaho ay taga iba pang lalawigan!
Napakarami pong nangangailangan dito ng hanap-buhay. Dumarayo pa po ang maraming trabahador sa Cavite, Laguna at Metro Manila, na lumalabas tuloy na tayo ang dayuhan sa ating lokalidad.
-------ooOoo-------
Kaya tuloy nagkakasiya na nag iba sa P150 o P200 na pasahod ng mga intsik sa iba’t ibang negosyo ng construction, tindahan, merchandize at malls!
Salamat na rin at may napapagtiyagaan ang iba pero sa dami ng gastos sa pag-aaply napakarami pa rin ng tambay.
Patunay ba ito ng kaunlaran? O isang pangit na bangungot na sana’t malampasan at ‘pag nagising ay unti-unti nating mapagtulong-tulungang mawasak ang humahadlang sa tulong ng Dakilang Panginoong lumalang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home