Saturday, March 04, 2006

The Quezon Mail

Pagbilao local government
renovates municipal building

The history of Pagbilao, Quezon has been added another page when its municipal building, which is also considered one of the town’s landmarks, gets renovated. In his message during the blessing on January 9, 2006, Gov. Willie Enverga commended Mayor Romeo Portes and the officials and employees of the local government of Pagbilao for the restoration of the said building. He added he admires the local government of Pagbilao for being acknowledged as one of the municipalities in the whole country that exhibits good financial management. On the other hand, Mayor Portes acknowledged the unyielding involvement of the Sangguniang Bayan and all other officials, employees, and the whole community. Other public figures seen during the occasion were BM Kelly Portes, Candelaria Mayor David Emralino, Tiaong Mayor Leleng Umali, Lucena City Mayor Ramon Talaga, Jr., and Mark Enverga. Besides the officials and employees, brgy. officials, war veterans, teachers and students witnessed this occasion. Wrapping up the affair is a lavish party.



60 YEARS OF PRINCIPLED LEADERSHIP: The celebration of the 60th anniversary of the Liberal Party culminated in a testimonial luncheon in honor of former Senate President and former LP President Jovito Salonga at the Club Filipino in Greenhills, San Juan. Photo shows (from left) former Education Secretary Butch Abad, media personality Cory Quirino, Salonga, Quezon Rep. Rafael Nantes, Senate President and LP President Franklin M. Drilon and Senators Mar Roxas and Francis Pangilinan. (Photo by Joseph Vidal-PRIB)


Black propaganda vs. Nantes,
nagsisimula nang kumalat

Lolitz Estrellado at Annie Balmes

SARIAYA, QUEZON - Nagsisimula nang kumalat ang black propaganda laban kay Quezon First District Representative Rafael “Raffy” Nantes na isa sa mga pangunahing contender para sa pagka-gobernador ng lalawigan sa halalang lokal sa susunod na taon. Sa isang panayam sa kongresista noong naging panauhin ito sa isang pagtitipon sa bayang ito, inamin niya na maging siya man at nakakatanggap ng mga paninira sa text messages. Hindi na lamang niya umano pinapansin ang mga ito sapagkat alam naman niyang bahagi lamang ito ng black propaganda bagaman at masakit din sa kanyang kalooban ang pagbintangan ng isang bagay na walang katotohanan. Isang hate campaign ang nagsimula nang isagawa ng ilang taong pinaniniwalaang kalaban ni Nantes sa pulitika. Kumakalat ang mag text messages na nagsasabing “huwag maniwala sa kung anu-anong mga ipinapangako ng Quezon solon sapagkat ang mga ito ay mapapako lamang”. Marami ang naniniwala na ito ay bahagi ng isang demolition plan upang sirain at gibain si Nantes. Sinabi ni Nantes na higit siyang kilala ng mga kababayan kaya’t nasisiguro niyang hindi paniniwalaan ng mga ito ang anumang paninira sa kanya. Siniguro rin nito na nakahanda siya sa bagay na ito lalo na at nasa likod naman niya ang mga taga-Quezon na naniniwala sa kanyang layunin. Binigyang diin ni Nantes na sa ngayon ay higit niyang pinagtutuunan ng panahon ang pagpapaunlad ng kanyang distrito at hindi rin naman niya pinahihindian o tinatanggihan ang sinumang humihingi ng tulong sa kanya na karamihan ay mula pa sa malalayong bayan ng lalawigan. “Habang akoy sinisiraan ng mga sinasabing kalaban sa pulitika, lalo naman akong nagsusumikap at nagsisipag sa paglilingkod sa taong bayan.” ito ang inihayag ni Cong. Raffy Nantes. Sinabi ni Nanted na tuloy-tuloy lamang ang daloy ng kanyang mga proyekto tulad ng katatapos lamang na pamamahagi ng 120 kalabaw, mga baboy, kambing at iba’t-ibang kagamitang pambukid para para sa may sampung bayan ng unang distrito, kasama ang Department of Agriculture bilang tugon sa sakahang pangkabuhayan ng kanyang mga constituent. Tinuran ng mambabatas na ginagawa lamang niya ang mga pangakong proyekto sa unang distrito upang patuloy na tangkilikin ng taong bayan ang kanyang paglilingkod, taliwas sa aniyay ginagawa ng ilang nanunungkulan na inuuna ang pamumulitika kaysa pagtatrabaho at paglilingkod sa taong bayan. Samantala, ipinahayag din ni Nantes na nalalapit na ang pagtatapos ng Tayabas, Lucban, Mauban, Sampaloc circumferential road sa kabila ng mga naging kabalaman sa nakalipas na panahon. Ayon kay Nantes, magtutuloy-tuloy na muli ang pagsasaayos ng mga naturang lansangan dulot ng panibagong strategy na nilikha nila ng DPWH maging ng ADB na siyang sumusupor-ta para sa nasabing proyekto. Siniguro ng mambabatas na walang magiging hadlang sa pagpapatuloy ng proyekto dahil sadyang nakalaan ang pondo para dito at hindi mawawala na katunayan ay may nalalabi pa itong P38M para sa pagtatapos ng nasabing circumferential road.


Power discount para sa Quezon, isusulong
Nimfa Lodronio


PAGBILAO, QUEZON – Isinusulong na ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang isang panukalang batas na humihiling ng discounted power rates para sa lalawigan. Ang panukalang batas, tinatawag na Quezon Discounted Power Rates Ordinance ay inakda at iniharap sa sanggunian ni Board member Rommel Edaño na naniniwalang ang mga taga-lalawigan ng Quezon, kasama na ang mga residente ng lungsod ng Lucena ay may karapatan sa diskuwento at dapat pagkapalooban nito. Ipinaliwanag na ng bokal na ang Quezon, bilang host ng dalawang higantedng coal fired power plants – isa sa Pagbilao (Mirant Pagbilao Corporotaion na may 750 megawatt capacity) at isa sa Mauban (Quezon Power Limited na may 500 mega-watt capacity) - ay mayroong karapatan sa pribilehiyong ito. Sa isang public hearing na idinaos, nabatid na ang Mirant ay may excess na generated power of 36 megawatts samantalang ang Quezon Power Ltd. Ay may 40 megawatts. Ayon kay Edaño, ang surplus power na nagmumula sa dalawang kumpanya ay maaaring ipagbili nang direkta sa mga electric firms na nakabase sa lalawigan katulad ng MERALCO at Quezon Electric Cooperative (QUEZELCO I at QUEZELCO II) sa mas mababang halaga. Ang Meralco at Quezelco naman ang magbebenta ng elektrisidad sa mga residente na bibigyan ng diskuwento. Maging si Quezon Vice Gov. David “Jayjay” Suarez na siyang naging tagapangulo ng public hearing ay lubos na sumusuporta sa pagpapasa ng nasabing panukalang batas. Ayon sa kanya, umaasa ito na ang dalawang power plant, ang National Power Corporation at ang Department of Energy ay magiging ameable o sasang-ayon sa panukala. Binigyang diin ni Suarez na napakahalagang maaprubahan ang batas sapagkat ang makikinabang dito ay ang buong lalawigan. Maaari ring dumagsa ang mga investors o mamumuhunan dito sapagkat mas liliit ang halagang babayaran nila sa kuryente.


Restriksyon sa VCO, hiniling na alisin
Joy Estrellado-Bagsik


LUCBAN, QUEZON--Isang grupo ng mga kongresistang maka-administrasyon ang humihiling sa gobyerno na alisin na ang restriksyon o paghihigpit sa mga produktong flavored virgin coconut oil (VCO). Sa isang ekslusibong panayam dito kay Quezon First District Congressman Rafael P. Nantes, sinabi nito na ang grupong kinabibilangan niya at nina represen-tatives Proceso J. Alcala (Quezon Second District), Lorenzo Tañada III (Quezon Fourth District) Janette Garin at Ferjenel Biron (parehong taga-Iloilo), ay nag-aalala na ang restriction at mga regulasyon na pinaiiral ng pamahalaan ay maaaring maglagay sa alanganing posisyon sa pandaigdigang pamilihan sa Virgin Coconut Oil na gawa sa bansa at kasalukuyang in-demand sa ibang bansa. Ayon kay Nantes, nagpa-dala na umano sila ng pormal na kahilingan sa Department of Health (DoH), Bureau of Foods and drugs (BFAD), at Department of Science and Technology (DOST) na magtakda ang mga nasabing ahensya ng isang karampatang pamantayan ng kalidad para sa produksyon at pagbebenta ng VCO. Ayon kay Nantes, sa kasalukuyan ay patuloy na lumalaki ang demand sa VCO sa mga pamilihan, lokal man o dayuhan. Hindi lamang umano ito dapat samantalahin, kundi dapat pangalagaang manatili sa katatayuan nito sa world market sa pangmatagalang panahon.

Seaweeds dispersal, ginanap sa Padre Burgos

Nina Cristy Lucila, OPA at Ruel Orinday, PIA

Padre Burgos – Sa unang linggo ng taong 2006, muling pinatunayan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamumuno ni G. Domingo J. Mamasig ang pagpapalaganap ng mga programa ng agrikultura upang patuloy na maisulong ang pagpapaunlad ng pagsasaka at pangisdaan sa lalawigan. Isinagawa noong ika-5 ng Enero ang Seaweeds Dispersal sa Brgy. Danlagan at pagbisita sa Oyster Project sa Brgy. Kinagunan. Personal na ipinamahagi ni Mamasig ang mga nasabing seaweeds seedlings sa mga mangingisda. Ayon sa kanya, ito ang napiling proyekto ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa nasabing bayan upang magkaroon ng karagdagang kita ang mga mangingisda. Ang paglilinang ng seaweeds ay masusing sinusubaybayan ni G. Ramon Querubin, Provincial Seaweeds Coordinator (OPA) at ng Pamba-yang Agrikultor na si Gng. Senen Tamesis. Tinanggap ng mga kasapi ng SAMADA (Samahan ng Maliliit na Mangingisda ng Danlagan), sa pangunguna ni Brgy. Capt. Inocencio Dumanggas ang mga nasabing seedlings. Ang samahan ay may umaabot sa 70 kasapi, kung saan 32 ang aktibo sa kasalukuyan. Ang proyektong ito ay sa pagtutulungan ng pamahalaang lokal ng Padre Burgos, Cong. Danny Suarez at ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng OPA. Binisita rin Mamasig ang Oyster Project sa Brgy. Kinagunan, kung saan ang pondo naman nito ay nagmula sa 20% Development Fund ng Pamahalaang Panlalawigan. Ang nasabing proyekto ay sa pagsubaybay ni Gng. Iluminada S. Querubin, Aquaculturist II – OPA.

VAT na ipinapataw sa mga produkto

at serbisyo, maliit pa rin--Dir. Toledo

Ruel Orinday

Lucena City - “Ang buwis o Value Added Tax (VAT) na ipinapataw ngayon sa mga serbisyo at produkto ay hindi naman napakabigat sa mga mamimili sapagkat napakaliit pa rin nito”. Ito ang inihayag ni Dir. Marilou Toledo ng Depart-ment Of Trade and Industry (DTI- Region IV-A) sa ginawang pakikipanayam ng PIA- Quezon nang magsa-gawa ito ng price monitoring ng mga bilihin sa lungsod na ito kamakailan kasama si Provincial Director Marcelina Alcantara ng DTI-Quezon. Ayon kay Toledo, ang VAT na ipinapataw sa presyo ng ilang mga produkto at serbisyo na dating 10% at ngayon ay 12% sa presyo ng produkto o serbisyo ay hindi naman aniya gaanong kabigatan sa panig ng mga mamimili. Bukod dito, ang value added tax ay kailangang maipatupad ng pamahalaan upang matugunan din nito ang mga pangunahing serbisyo publiko gaya ng pagdaragdag pa ng mga silid aralan o pampublikong edukasyon sa elementarya at sekundarya, segurong pang-kalusugan sa mga mahihi-rap, programa sa panganga-laga sa kapaligiran at sa modernisasyon ng pagsa-saka. Sa ilalim ng pagpapa-tupad ng Reporma sa value Added Tax (RVAT), kabilang sa mga produkto at serbisyo na papatawan ng VAT ay ang produktong petrolyo at iba pang mga pinanggaga-lingan ng enerhiya, kuryente at mga kooperatiba ng kuryente, serbisyo ng doktor, pamsahe sa eroplano at barko at mga produktong pang agrikultura gaya ng bulak, kahoy at iba pa gayundin ang mga likhang sining, pampanikan at komposisyong pang musika. Samantala, hindi naman pinapatawan ng VAT ang mga pangunahing paninda at produktong karaniwang binibili ng mga mahihirap gaya ng mga sariwang prutas at gulay, itlog at bigas, upa sa bahay na hindi hihigit sa P1.5 milyon kada taon ang benta kabilang na dito ang sari-sari store, karinderya at naglalako.

Task Force AI created against

the threat of Avian Influenza

W. Tolentino/OPV-Quezon


Lucena City - In lieu of the threat of Avian Influenza and its inherent danger to human life and animal industry, Task Force AI was established in the municipality of Tayabas, Quezon last January 26, 2006 by the Local Government Units headed by the Office of the Provincial Veteri-narian in accordance to Executive Order 280 by President Gloria M. Arroyo. Avian Influenza, a viral disease carried by wild migratory birds from all over the world can be transmitted to commercial poultry and then can be passed to human and other mammals with serious hazard to health. To date, infected European, African and Asian countries like China, Hongkong and Vietnam, Thailand, Indonesia etc. has resorted to burning millions of infected birds in order to steam the spread of this deadly disease in order to protect human life and livestock industry. The task force in concerned with keeping the country bird flu-free, the control and eradication of bird flu in domestic fowl, control of transmission from fowl to human and public health awareness. The public is advised to stay away from wild birds, observe safety and hygienic procedures for poultry farms, do not buy illegally-traded birds and report smuggling and suspect cases of bird flu to the authorities.

Mga programa ng CSWDO, tuloy-tuloy

sa tulong ni Mayor Talaga

Monet Elcano

Lucena City - Ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ay laging kaagapay ni Mayor Ramon Y. Talaga, Jr. sa pag-antas ng pamilya at mga kababaihan sa lungsod na ito. Ayon kay Gng. Lourdes Ruanto, CSWDO, layunin ng programa na maiwasan ang mga karahasan sa pamilya, mapahusay ang katayuan sa buhay ng mga kababaihan at pamilya gayundin upang mabigyan ng pangkabuhayn at mabigyan ng wasto at maayos na pamumuhay ang kanilang mga anak. Kaugnay nito, isa rin sa mga programa ng CSWDO at ni Mayor Talaga ay ang ginanap na kasalang bayan noong ika-14 ng Pebrero kaalinsabay sa pagdiriwang ng araw ng mga puso na ginanap sa Pacific Mall Lucena City kung saan ay nasa 149 na mag-asawa ang ikinasal. Ayon pa kay Ruanto, nagkakaloob din sila ng libreng seminar na may kaugnayan sa mga pangkabuhayan at nag-anyaya rin sila ng mga eksperto sa negosyo upang magsilbing halimbawa para maengganyo at matuto na maging entreprenyor. Samantala, sa tulong naman aniya ng mga kawani ng CSWDO, nagsasagawa rin sila ng mga pagtuturo tungkol sa decision making, mama-mahala at mga psychological test upang malutas ang mga problemang kinkaharap ng isang nagpapamilya. Gawain din ng CSWD na magsagawa ng mga pagtuturo tungkol sa kalusugan, breast feeding at family planning. Ang programang K&K Kapitbisig Kapitbayan ay patuloy nilang isinusulong upang mapaunlad ang antas at kabuhayan ng pamilya.

Sen. Villar, dismayado sa pagkaantala ng 2006 budget

Lolitz Estrellado

CANDELARIA, QUEZON – Nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si Senador Manuel B. Villar sa pagkaantala ng pagpasa sa panukalang pambansang badyet para sa taong ito na sa kanyang paniniwala ay sinasadya ng Mababang kapulungan upang bigyan ang pangulo ng flexibility sa paggastos lalo na ngayong puspusan nang isinusulong ng Malacañang ang pagpapalit ng gobyerno sa pamamagitan ng Kongreso. Sa isang panayam sa senador nang maging panauhin ng bayang ito sa isang pagtitipon kamakailan, sinabi ni Villar, Chairman ng Senate Finance Committee, na tila walang plano ang Mababang Kapulungan na pabilisin ang pagpasa ng P1.06T national budget. Ayon kay Villar, naniniwala siya na ang pag-antala ay sinadya o isang deliberate move ng mga kongresista at ng ehekutibo upang bigyan ng kaluwagan ang pangulo sa paggastos na magagamit niya sa pagsasakatuparan ng layuning maamyendahan ang Saligang Batas na magbibigay daan naman sa pagpapalit ng sistema ng pamahalaan. Ipinaliwanag rin ni Villar na hindi mapapabilis ng senado ang pagpapasa ng national budget para sa taong ito sapagkat hindi pa naipapadala sa kanila ng Maba-bang Kapulungan ang bersyon nito. “If the budget will be approved in as late as May, or June, it is better for them not to pass the budget at all and work on a reenacted budget,” anang senador. Binigyang diin ni Villar na ang pagkaantala sa pagpasa ng national budget ay mangangahulugan din ng pagkaantala ng pagkakaloob ng dagdag na suweldo sa mga empleyado ng gobyerno. Ang iba pang senador ay nagkakaisa sa pagsang-ayon sa paniniwalang ito ni villar at nababahala silang makaapekto ito ng malaki sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan.

Quezon solon pushes for urgent review of forestry law

Lolitz Estrellado



LUCBAN, QUEZON – Quezon first district representative Rafael P. Nantes has recently filed a bill seeking for an urgent review of the country’s forestry law and put more teeth into it. In an exclusive interview with Nantes, he stressed that the need is urgent because there are loopholes in the rules and regulations governing the forestry law, which have contributed to illegal logging activities in the country. Nantes said even the Department of Environment and Natural Resources (DENR) agrees to his observation and his proposed bill has draw full support from the top officials of the agency. He added that Director Marcial Amaro, Jr., of the DENR-Forest Management Bureau (EMB) agreed there is a need to review the rules and regulations governing forest protection and that his office will support any move or the Congress will take to improve these regulations. Nantes also spoke on the continued denudation of the country’s forest country’s resources due to unabated logging activities despite the number of laws that govern their management and utilization. He emphasized that there is a need to assess various timber license permits and forest management agreements issued or entered into by the government. “Unabated logging activities had caused the loss of lives, flooding and destruction of properties in the towns of Real, Infant and Genera Nakar in Quezon Province and Dingalan in Aurora, the Quezon congressman was quoted as saying. Nantes expressed joy over Director Amaro’s action whose office had already created a technical working group to compile the existing forestry laws that need to be amended or repealed by congress and help formulate the final draft of the Omnibus Forestry Code.

OPINYON

ISYU INFO

Ruel Orinday, PIA

1k dagdag allowance sa mga empleyado ng gobyerno

Hindi na natigil ang pamumulitika at pagmamagaling ng ilan nating mga mambabatas kahit sa mga isyung may kinalaman sa agad na pagtugon sa pangangailangan ng mga manggagawa. Maging ang ipinasa ng kamara na one thousand pesos na dagdag allowance para sa mga empleyado ng national government ay nalalagyan na rin ng kulay. Una sa mga isyu ay ang sinasabing bakit nauna pa ang supplemental budget para sa dagdag na allowance na ito bago ang pagpasa sa 2006 national budget? At ikalawa, illegal raw ang panukalang batas na ito dahil wala pang aktwal na pondo. Malinaw at makatuwiran ang paliwanag ni incoming Budget Sec. Cong. Rolando Andaya, Jr. sa unang tanong. Ayon kay Andaya, hindi maaaring paghintayin pa sa pagpasa ng national budget ang umento sa sahod na matagal nang hinihintay ng mga empleyado ng gobyerno. Alam naman nating lahat na matagal na proseso ang pagtalakay sa pambansang budget at kahit pa aprubahan na ng senado at kamara ang kanilang bersiyon ay kadalasang madugo ang diskusyon sa bicameral conference committee dahil sa magkakaibang interes ng mga mambabatas sa binalangkas na national budget. Sa ikalawang isyu na sinakyan na rin ng mga senador na labag raw sa batas ang ipinasang allowance para sa mga state workers, may malinaw na pahayag naman diyan si Cong. Andaya. Sinabi ng kongresista na lumuluwag naman na ang kakayanang pinasiyal ng gobyerno dahil sa malaking koleksksyon bunga ng magandang resulta ng RVAT o Reformed Value Added Tax. Hindi man direktang magmumula rito ang pampondo sa umento ng mga empleyado ng gobyerno, ang dagdag na kita sa RVAT ay makatutulong para mailaan ang ba pang makokolekta ng pamahalaan sa ibang buwis upang ibigay ang inaasam na umento ng government employees. Hindi rin illegal ang inaprubahang panukala ng kamara dahil sa kawalan ng aktuwal na alokasyon ng pera. Wala pa naman kasing ipinapasang kahalintulad na panukalang batas ang senado at kahit pa mangyari ito ay kailangan pa ring dumaan sa bicameral conference committee kaya’t hindi pa tuwirang batas ang dagdag na 1,000 pisong alllowance sa government workers. Ang problema na lamang ay ang mabagal na takbo ng legislation kaya naman minamadali nina House Speaker Jose De Venecia ang mga senador para sundan ang ginawa nilang pag-apruba ng dagdag allowance para tulungan ang mga aghihikahos na empleyado ng national government

-----ooOoo-----

Pagsasakatuparan ng E-VAT, makapagpapataas ng fiscal stabilization Ang inaasahang pangka-lahatang pagsasakatuparan ng enhanced value added tax ngayong buwan ng Pebrero 2006 ang pagmumulan ng patuloy na progreso sa fiscal stabilization ng pamahalaan sa taong kasalukuyan. Ayon kay Haruhiko Kuroda, pangulo ng Asian Development Bank (ADB), kailangan pa ring pag-ukulan ng pansin ng pamahalaan ang pito hanggang walong porsyentong antas ng pag-angat ng ekonomiya ng bansa upang maging kapaki-pakinabang at sustainable ang tugon sa problema sa kahirapan sa bansa. Sinabi ni Kuroda na sa regional economic integration, ang mga lider ng Asian ay patuloy na nagtataguyod ng isang regional cooperation at economic integration. Tinukoy na ng ADB ang apat na pillars na mahalaga sa pagtatamo ng isang economic integration. Ito ay ang cross-border infrastructure at associated software, money and finance, trade and investment at regional public goods.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home