Thursday, March 02, 2006

Pulso ng bayan


Flor David

Mga abusadong driver

Hindi lamang abusado, arogan-te at walang disiplina ang ilan sa mga naglipanang tricycle driver sa bawat bayan sa buong lalawi-gan ng Laguna kundi manapa ay sumisingil ang mga ito sa pasa-hero ng labis at wala sa itinatakda ng Land Transportation and Fran-chising Regulatory Board ng LTO at ng DOTC.
Ito ay tuwirang pang-aabuso at paglabag sa batas ng sasak-yan. Subalit sa kabila nito at bagaman ito ay batid ng publiko at kinauukulan ay tila mananatili at walang aksyon ang pamahalaan hinggil sa bagay na ito.
Ang isang dahilan na walang kaluwagan ng mga batas na walang ngipin at naisasaayos kapag umiral na ang padrino at regalo ng ilang di iniisip ang kapakanan ng higit na nakararaming mamamayan. Ang patuloy na pag-kunsinte ng ilang traffic officials sa mga illegal terminal at mga dispatchers sa bawat junction o kanto ay nagsisilbing salot sa traffic congestion at kapakanan ng mga mamimili.
Sa puntong ito, tinatawagan po ng pansin ng pitak na ito ang mga kinauukulan. Huwag po nating pabayaan ang naglipanang buwaya sa bawat lansangan.
Labis-labis na ang paghihirap at hinanakit ng bayan sa mga baluktot na gawain ng ilan na ang napipinsala ay ang pamilya ng bawat mamamayan. Huwag nating pabayaan na maging mitsa ng di pagkakaunawaan at maging mitsa ng napipintong kagulu-han dulot ng kawalang malasakit at kapabayaan na ang resulta sa huli ay krimen at kaguluhan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home