Thursday, March 02, 2006

Pitak Pangkalusugan


Fely G. Mayuga, PIA
Mga benepisyo ng coconut oil at sunflower oil

Ang pagpapahid ng sunflower oil sa balat ng low weight at pre-term babies ay makakatulong ng malaki upang maprotektahan ang mga sanggol laban sa impeksyon sa balat kung saan sila ay madaling kapitan ng naturang karamdaman.
Ayon sa isinagawang pag-aaral sa US na nalathala sa British Medical Journal, ang mga pre-term babies particular na sa mga umuunlad na bansa ay kadalasang namamatay sanhi ng impeksyon dulot ng pagkakaroon nila ng immature skin.
Mahigit sa kalahati ng mga bagong silang na sanggol na tumitimbang ng mas mababa sa 1,500 grams ay namamatay.
Lumabas sa resulta ng isinagawang pag-aaral na ang simple at pinakamurang paraan ng pagmamasahe ng sunflower oil sa balat ay maaaring makapigil ng impeksyon.
Samantala, may mga hearty benefits ang niyog: sa kabila ng pagiging saturated oil, ang coconut oil ay mayaman sa medium chain fatty acids. Di tulad ng ibang fats, ang medium chain fatty acids ay hindi nagsi-circulate sa blood stream manapa’y dumidiretso ito sa atay kung saan mabilis itong maging enerhiya. Pinabibilis din nito ang metabolism at tumutulong na mag-alis ng fat sa katawan ng tao. Ang coconut oil ay nakakabawas sa panganib ng pagkakaroon ng arteriosclerosis at iba pang cholesterol-related diseases.
Natuklasan ng mga pilipinong siyentipiko na ang mahalagang sustansya ng coconut oil na lauric acids ay mabisang sumisira sa pathogens. Tumutulong din itong mapigilan ang sakit na osteoporosis, diabetes, cancer, colitis at chochon’s disease.
Ang coconut oil ay may mas mababang shelf life, mas mataas ang rancidity at oxidation kaysa ibang edible oil. Samantalang ang coconut milk naman ay maaaring gamiting panghalili sa intravenous dextrose infusion.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home