Wednesday, March 01, 2006

NEWS for the week

The Southern Tagalog Herald
Feb. 19 - 25, 2006
Pagbubukas ng SM City Sta. Rosa, dinagsa
ni Nani Cortez

STA. ROSA CITY--Umaga pa lamang ay dinagsa na ng maraming tao ang bawat entry points ng SM City Sta. Rosa at buong tiya-gang nag-antabay sa opisyal na pagbubukas, ganap na ika-10 ng umaga noong Biyer-nes, Pebrero 17.
Nang binuksan na ito ni Hans T. Sy, pangulo ng SM Prime Holdings, bilang hudyat ng kahandaang simulan ang paglilingkod, mga ngiti tanda ng pananabik ang dinala papasok sa mall ng bawat pamilyang maaga pang naghihintay.
Ngiti rin ang isinalubong ni G. Sy sampu ng kanyang mga kawani na sumasagisag sa matapat na paglilingkuran sa kanilang tagatangkilik na siyang umani ng pagtitiwala sapul pa ng maitatag ang SM buhat sa isang simpeng pamilihan ng sapatos sa Maynila noong 1958 sa pamamatnugot ng kanilang Chairman of the Board na si Henry Sy, Sr.
Naging susi ang pagtitiwala ng bawat kostumer at katapatan ng SM sa mga ito upang magbunga ng mahabang pagsasama na yumabong hanggang sa kasalukuyan.
"Ang SM City Sta. Rosa ang aming pinakabago at ika-23 sangay" ani G. Hans sa panayam ng The Southern Tagalog Herald.
"Ang SM City Lipa ay maglilingkod na rin sa malapit na hinaharap at lahat ng SM malls ay nakasalig sa serbis-yong mapagkakatiwalaan," pagpapatuloy pa niya.
Ang SM City Sta. Rosa ang pinakaunang sangay sa Lalawigan ng Laguna ay matatagpu-an sa Brgy. Tagapo. Ito ay may 88,000 metro kuadradong floor area, nakatayo sa humigit-kumulang na 17 ektaryang lupain at may kakayanang magkaloob ng 3,351 himpilan ng sasakyan sa iisang pagkakataon.
May kahandaan itong maglingkod sa buong lalawigan la-lo’t higit ang mga kalapit bayan ng Biñan, San Pedro, Cabuyao, Calamba City o maging ang San Pablo City.
Katulad ng ibang SM Supermalls sa Kamaynilaan, kagigiliwan ng mga mamimili ang SM City Sta. Rosa sapagkat mata-tagpuan na rito ang lahat nilang pangangailangan.
Bukod sa makabagong SM Department Store at SM Supermarket, naroon na rin ang mga outlet mula sa laruan, gamit pangbahay, book store, fashion boutiques, appliance center, novelty shops, gamit pangpalakasan, o mga alahas man. Sa mga may pihikang panlasa, maraming food chains na mapagpipilian, banyaga man o lokal.
At sa mga nais magliwaliw, may apat na sinehan sa loob mismo ng mall na mapapanooran o dili kaya’y sa mga libreng pagtatanghal na kadalasang isinasagawa sa entertainment plaza ng inyong mga hinahangaang bituin na katulad noong grand opening si Sandara Park ganap na ika-2 ng hapon, sinundan ng South Border ng alas kuatro.
Bago rito, una nang pinasinayaan noong Huwebes ang SM City Sta. Rosa. Ang ribbon cutting matapos ang banal na misa ay ginampanan ni Gob. Teresita Lazaro, Bise Gob. Edwin Olivarez, 1st Dist. Cong. Uliran Joaquin, Sta. Rosa City Mayor Joey Catindig, Vice Mayor Arlene Arcillas, Mrs. Felicidad Sy at SM Chair-man Henry Sy Sr.
The Wednesday Herald
Feb. 22 - 28, 2006
With BARKADAHAN sa Laguna at the helm
Laguna gets special award from PNP

STA. CRUZ, LAGUNA--Gov. Teresita "Ningning" Lazaro received the Best LGU (Local Government Unit) Special Award from PNP Chief Police Director General Arturo C. Lomibao in the recent 15th PNP Anniversary held at the Police Regional Office (PRO) Calabarzon in Camp Vicente Lim, Calamba City.
The special award was given to Laguna Provincial Government for its BARKADAHAN sa Laguna or Barangay Kontra Droga Handog Namin Sa Laguna which is in line with Gov. Lazaro’s Sulong Kapayapaan at Kaayusan (Peace and Order) program under her flagship 7-Point Agenda.
BARKADAHAN is a co-mmunity mobilization program created to instill awareness in the minds of parents, teachers, the youth, barangay officials, and every member of the society. It was created and conceptualized to intensify the PNP’s campaign against illegal drugs.
BARKADAHAN’s approach is more on public awareness empowering the barangay leaders, school authorities, administrator of workplaces and their employees, students, and the constituents towards community involvement in the fight against drug abuse and the rehabilitation of drug users.
"This serves as a catalyst for the general public to join hands and offer their utmost coope-ration in an all-out campaign against drug abuse. In fact, the Laguna Anti-Drug Abuse Council (LADAC) considers it as an effective measure in persuading every barangay, the smallest unit of the local government in solving drug-related problems, including close coordination with the authorities particularly the police," Gov. Lazaro said in an interview.
BARKADAHAN was initially launched last January 28, 2002 at the Laguna Cultural Center here and has been launched to all municipalities and cities in Laguna including schools and workplaces.
Aside from the police, the justice system like the prosecution, and the Provincial Government through the Social Welfare and Development, the Philippines Drug Agency (PDEA), the church, and other concerned sectors and agencies continue to provide assistance.
Some are in the form of rehabilitation, financial and job assistance, lectures and even testimonies to further enlighten the populace.
"Aside from government agencies, constituents and leaders in the barangay level, BARKADAHAN is also designed to tap the non-government organizations in the implementation of the program through a coordinated and systematic actions based on the PNP’s Community-Oriented Policing System," also said by Gov. Lazaro.
It may be recalled that the Laguna Anti-Drug Abuse Coun-cil, with its Head Secretariat Melchor Causapin, was conferred the The Most Active, The Most Efficient, and The Most Respon-sive and The Best Provincial Anti-Illegal Drug Abuse Council (PADAC) in the entire Region IV (CALABARZON and MIMA-ROPA) last June 21, 2004 in Calamba City during the Anti-Illegal Drug Campaign Anniver-sary Celebration.
The Southern Tagalog Herald Cavite
Feb. 19 - 25, 2006
Gov. Maliksi assists evicted farmers
Clarifies it'a for purely for humanitarian concern
Lolitz Estrellado

TRECE MARTIRES CITY--"The role of the provincial government in helping the families of the 44 tenant farmers evicted from Cabangaan, Silang, Cavite, is not to intervene in the legal controversy that has arisen between the farmers and the landowners but for purely humanitarian concerns."
This was pointed out and stressed by Governor Ayong S. Maliksi in an interview in his office at the Provincial Capitol.
"We will assist the farmers in the best way we can. Our main tasks is to ensure that their basic needs are attended to," the governor clarified.
According to Maliksi, they have already sent an inspection team to the area to determine how many were actually affected.
"If food is wanting, we will provide food. If there is a need to relocate them immediately, we will try to find a place for their relocation. Our move will depend on their basic needs," the governor said.
Maliksi added he has asked Provincial Information Officer Alda Cabrera, who is also the concurrent head of the Provincial Community Affairs Depart-ment (PCAD) and welfare officer Mercedita Reyes, OIC of the Cavite Department of Social Welfare and Developmennt (DSWD), to help and attend to the basic needs of the affected tenant-farmers and their families.
It could be recalled that last week, Maliksi has met with the families of the 44 tenant-farmers whose house were reportedly forcibly demolished on February 3 in Cabangaan, Silang, Cavite.
The houses were built on a 25 hectare agricultural land in said barangay purportedly owned by former Senator Ramon Revilla, Sr., who is now the Chairman of the Public Estate Authority (PEA).
Leaders of the Samahan ng mga Magsasaka ng Cabangaan (SAMACA) headed by its president Vicky Brondo, in airing their grievances to Maliksi, called the demolition unjust and illegal. Brondo said most of the tenants are farmers who plant rice, coffee, coconut, banana, pineapple, vegetables and other crops to make a living.
As of press time, Revilla has not yet been reached to give his side in the story.
The Southern Tagalog Herald Batangas
Feb. 19 - 25, 2006
P26.7 MARISP II project sa P. Garcia, pinasinayaan
ni Ruel Santos

Pinasinayaan kamakailan ang apat na mahahalagang proyekto sa Padre Garcia, Batangas na inaasahang magdudulot ng ibayong sigla at kaunlaran sa mga barangay ng Cawongan, Quilo-QuiloSouth at Payapa sa larangan ng agrikultura at rural development.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Batangas 4th District Representative Oscar L. Gozos, Board Members Rowena Sembrano-Africa at Mark Leviste, Batangas PARO II Cynthia E. Lapid, DPWH Asst. Director Estrella, Provincial Irrigation Officer Nonie Pagdanganan, CARPO Dalangin Parel ng RSSD, Padre Garcia Mayor Prudencio Gutierrez, Vice Mayor Ferdie Villar, mga kagawad ng Sanguniang bayan at si Executive Asst. Dante Beronia na kumatawan kay Gob. Arman C. Sanchez.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Cong. Gozos ang ibayong sipag na dapat ipamalas ng mga mamamayan dito sapagkat meron aniyang kongkretong daan, water works at patubig.
Aniya walang dahilan pa ang mga magsasaka upang magpabaya sa kanilang gawain kung saan matatandaang namahagi rin noon ang butihing kinatawan ng mga farm implements kaya’t kumpleto na sila sa kanilang barangay.
Dahil dito ay inaasahang aangat ang antas ng kabuhayan at tataas din ang kalidad ng kanilang produkto.
Sinabi pa ni Gozos na bagama’t ang nakamtang proyekto ay libre para sa mga Garciano ay kasama ito sa babayaran ng gobyerno sa Japan Bank for International Cooperation o JBIC.
Bukas din ang kanyang tanggapan sa iba pang kahilingan ng mga magsasaka at patuloy na nakikipag-ugnayan sa DAR at iba pang ahensya ng pamahalaan upang magkamit din ng proyektong pangkaunlaran ang iba pang barangay ng 4th District.
Sinabi naman ni PARO Lapid na mapalad ang bayan ng Padre Garcia sapagkat ito ang napiling paglipatan ng mga ARISP II projects na para sana sa Unang Distrito.
Aniya, ang improvement ng 1.6-km Cawongan Road na nagkakahalaga ng P6,658,196; ang Quilo-Quilo South Road na may habang 2.541 km na may halagang P7,250,878; ang Payapa Rural Water Supply na may P1,423,887; at ang rehabilitasyon ng Communal Irrigation Project na nagkakahalaga naman ng P11,451,798 o kabuuang P26,784,759 ay pambihirang project package na nakakamtan lamang ng isang bayan.
Ito ay isinalin na ngayon sa pamamahala ng mga taga-Padre Garcia Integrated Agrarian Reform Community.
Pinaalalahanan din ni Lapid ang benepisyaryo nito na mahalin at pag-ingatan ang nabanggit na mga proyekto upang patuloy na magamit ng mga sususnod pang magsasaka ng bayang ito.
Walang humpay na pasasalamat naman ang binigkas ni Mayor Gutierrez. Aniya, bahagi ng pasasalamat na ito’y ang pangakong pag-iibayuhin ang paggawa sa bukid, iingatan at mamahalin ang proyekto at gagawing modelong ARC ang Padre Garcia.
Ipamamalas din nila sa pamahalaan na hindi ito nagkamali sa pinaglagakan ng proyekto sapagkat likas sa Garciano ang pagiging masipag, masinop at mapagpahalaga sa mga biyayang kanilang nakakamtan, pagtatapos ng punumbayan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home