Thursday, March 02, 2006

Back-to-back

Nel Marasigan

Animo La Salle

Isa marahil sa maipagmamalaki at masasabi nating dangal ng mamamayang Lipeño ay ang pagkakatatag ng isa sa mga nangungunang paaralan sa Timog Katagalugan, ang De La Salle.
Di matatawaran ang malaki nitong kontribusyon sa larangan ng edukasyon at ang magandang layuning maingat ang antas at kalidad nito para sa mga Batangueño at maging sa mga mag-aaral ng mga karatig lalawigan. Nagbigay ito ng higit na pag-asa sa ating mga kababayang naghahangad ng higit pang kaalaman at pagsasaliksik ng karunungan, karunungang pamana at di kailanman mananakaw ninuman.
Dapat lamang tayong magpasalamat sa pagkakamayroon natin ng mga ganitong klase ng paaralan tulad ng DLSL at dapat din nating bigyang pugay ang mga taong nasa likod ng pagkakatayo nito.
Naisakatuparan ang pagkakatatag ng De La Salle Lipa sa pagsisikap at kagandahang loob ng De La Salle Brothers at kapahintulutan na ring nooy Obispo ng Lipa na si Bishop Most Rev. Alejandro Olalia. Sila ang direktang namahala sa konstruksyon ng nasabing paaralan at naging responsible sa operasyon nito bago pa man ito pormal na buksan noong taon 1962.
Mula sa maliit na bilang ng mga mag-aaral na mahigit lamang sa 200, umabot na ito sa kabuuang 8,500 na mga estudyante at patuloy pang tumataas ang bilang sa bawat pagbubukas ng semester o klase.
Ang dati rating maliit na eskwelahang napalilibutan lamang ng mga punong kahoy at niyog, ngayo’y puno na ng mga konkretong gusali at patuloy pang lumalawak ang mga development sa bawat taong lumilipas. Mga pagbabagong hatid ng patuloy at mabilis ding takbo ng panahon.
Ang pag-unlad ng nasabing institution ay nangangahulugan lamang ng malaki nitong ambag sa paghubog sa puso’t kaisipan ng ating mga mag-aaral di lamang upang maging mahusay na lider kundi lalu’t higit upang maging mabuting mamamayan. Karunungang hinulma ng maraming taon ng pag-aaral at pagtuklas sa iba’t-ibang mga bagay na nakakawili sa mayaman nating kultura na pinayabong pang lalo ng mataas na kalidad ng edukasyon. Sistema ng edukasyong may higit na pagpapahalaga sa espiritwal na isa sa mga mahahalagang sangkap ng magiging isang mahusay na mag-aaral at kapaki-pakinabang na nilalang. Institusyong nagbigay pansin sa kahalagahan ng maka-Diyos na karunungan at pagtatalaga sa Panginoon bilang sentro ng ating buhay.
At sa pagsapit ng ika-44 na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng De La Salle Lipa, naayon lamang na muli nating sariwain ang mga magagandang alaala nito ng nagdaang panahon. Nararapat nating pasalamatan ang mga pamanang karunungan na nagsilbing kalasag sa pagharapsa mga hamon ng buhay. Magsisilbing paala-ala ang bawat taong selebrasyon sa puso’t sipan ng bawat mag-aaral na minsa’y naging bahagi ng pristiheyosong paaralan.
Lubos pong bumabati ang pitak na ito sampu ng mga bumubuo ng The Southern Tagalog Herald Batangas sa lahat ng mga guro, mag-aaral at pamunuan ng De La Salle Lipa sa inyong 44th Foundation Day. Mabuhay po kayo! Mabuhay ang Lasayanong Lipeño! Animo La Salle!
-------ooOoo-------
Nabigyan din tayo ng isang magandang pagkakataon na maging bahagi ng 44th Foundation Day selebration ng De La Salle Lipa di lamang sa dahilang dito rin nag-aaral ang aking anak na si Reineil, kundi sa paanyaya na rin ng kanilang Public Relation Officer na si Gng. Ofezie Torres-Tipan (thank you po, ma’am).
Sa anim na araw na pagdiriwang ng naturang okasyon, napagtuunan natin ng higit na pansin ang basketball game kung saan naglaban ang DLSU-ZOBEL at La Salle Greenhills.
Kapansin-pansin na bagama’t nasa high school pa lamang ang mga manlalaro ng dalawang koponan ay kakikitaan ng kahusayan ay ang mga apo ni dating Sen. Freddie Webb na sa murang edad na 17 ay kayang-kaya ng magdunk. Hindi man nakakapagtaka sa dahilang may pagmamanahan naman.
Maganda rin ang ipnakitang laro ng numero 7 na sa Atkins na sya ring highest pointer ng DLSU-Zobel. Samantala nagdala naman ng pinakamataas na puntos si Miguel Sebastian C. Sover, ang numero 13 ng De La Salle Greenhills.
Sa pagtatapos ng laro, nanalo ang DLSU- Zobel sa score na 57-90.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home